Q:
Makikiupdate lang po kami diyan sa Senado at sa inyong pinagkaka-abalahan
ngayon sa pagbalik ng sesyon makalipas ang ilang linggo rin at nitong Todos Los
Santos.
SPFMD:
Mamayang alas-10 ng umaga po bago kami mag-session sa hapon ay
magkakaroon po ng necrological services para sa yumaong kasamahan namin na si
Senator Boy Herrera.
At
bukas naman po, magkakaroon kami po ay makikipagpulong sa mga lider ng Kamara
de Representante. Amin pong paguusapan yung doon sa aming final two months or
three months in session, kung ano po yung aming kayang tatapusin.
Amin
pong bibigyan ng prayoridad ang dalawang batas. Una po yung ating national
budget, aming kokonsultahin ang aming chairman ng Committee on Finance, si
Senator Loren Legarda. Amin po sigurong matatanggap ang printed version
ng budget mula sa House o Kamara de Representante sa Biyernes po o kung hindi
man ay sa Lunes sa susunod na linggo at the latest.
Sa
Miyerkules sa susunod na linggo o November 11 amin pong sisimulan ang
sponsorship. Hihilingin ko kay Senator Legarda na isponsor na ang budget by
November 11, at sa susunod na tatlong araw – November 12, November 13 at
November 16 ang amin pong period of interpellation, aming uumpisahan.
Ngunit
ito po ay matitigil pagdating ng APEC event, maantala po ang aming debate
tungkol sa budget ng tatlong araw, dahil tatlong araw na mayroong holiday,
November 17, 18 at 19 dahilan sa APEC event, at malapit ang Senado diyan sa
mismong PICC complex, kaya holiday po at wala kaming opisina.
Pagbalik
po namin sa November 23 hanggang November 27 – limang araw po ito - aming
ulit pagdedebatehan ang budget, akin pong hihilingin sa aking mga kasama na
aprubahan namin ang budget sa first week of December, at bago po o by third
week of December ay nasa kay Pangulong Noynoy Aquino na po iyan para kanyang
pirmahan.
Q: May tsansa
pa bang maihabol itong kontrobersiyal na panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL)?
SPFMD:
Opo, pinagusapan namin iyan ni Senator Bongbong Marcos kahapon at ngayong araw
po aming magreresume ng interpellations, si Senator Sotto po ang magtatanong at
siguro matatapos ang kanyang interpellations ngayong araw na ito.
Sa
Lunes po at Martes na susunod na Linggo ay amin pong irereserve iyan kay
Senator Juan Ponce Enrile ang aming minority leader. Hindi ko po alam
kung matatapos ng tatlong araw ang kanyang mga interpellations, kung hindi man
matapos ay amin pong ipagpapatuloy iyan pagkatapos ng budget sa second week of
December, by December 7 siguro at amin pong sisikapin na matapos ito bago po
matapos ang Disyembre.
Q:
Masasabi po na magandang aguinaldo po itong Kapaskuhan ang panukalang increase
in SSS pension. Kasama rin po ba iyan sa maaring maihabol na prayoridad ng
Senado ngayong taon?
SPFMD:
Opo, sisikapin din po natin na tapusin natin iyan. Ako po ay sumusuporta diyan,
masikip ang panahon, ang aming schedule, ngunit isisingit po natin iyan. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento