Q: Yung pinakalatest na survey ng SWS magkakadikit
na yung mga kandidato sa pagkapangulo- Senator Grace Poe, Vice President Jojo
Binay, Secretary Mar Roxas. Any reaction diyan ngayong ilang percent lang ang
pagitan ng mga ito?
SPFMD: Alam mo diyan makikita talaga ang pagtaas ng
rating ni Secretary Mar na aming kandidato. Kung titingnan mo po ang mga
nakalipas na survey, talagang pong pataas ang kanyang rating.
Q: But si Secretary Mar is still #2 or #3.
SPFMD: Opo, but six months ago 4%, ngayon ay 20%.
Sabi nga ni Professor Edmund Tayao ng University of Santo Tomas, silang tatlo
ay statistically tied na, dahil halos magkakadikit at hindi po natin at walang
nakakalamang na sa kanilang tatlo. Ito po ay patunay na ang endorsement
value ng Pangulong Noynoy Aquino na personal na pumili kay Secretary Mar para
ipagpatuloy ang ‘Daang Matuwid” ay talagang may bisa, at epektibo, at magiging
kritikal sa darating na halalan. Yaan po ang nakikita kong significance dito sa
latest SWS survey.
Q: So naniniwala kayo na sa susunod na mga buwan ay
mauungusan na ni Secretary Mar si VP Binay pati si Senator Poe?
SPFMD: Tama po iyan. Ako ay naniniwala diyan.
Q: Sa panung paraan?
SPFMD: Nakikita naman nila ang maayos na pamumuno
ni Pangulong Aquino na siyang nag-anoint kay Secretary Mar na ipagpatuloy ang
mga proyekto sa ilalim ng platapormang “Daang Matuwid.”
Q: Sa kaso po ni Senator Poe sa Senate Electoral
Tribunal, kelan po ba madedesisyunan itong kaso? Sa tingin niyo po ba ay
madidisqualify si Senator Poe?
SPFMD: Sa akin po sa lalong madaling panahon ay
dapat madesisyunan na po ito ng Senate Electoral Tribunal, dahil wala
namang dispute, yung mga facts ay nandiyan na lahat. Hindi po magkakaiba ang
mga sinasabi, kung saan siya pinanganak, na siya ay isang foundling, na siya po
ay naging American citizen, na siya po ay nag-avail nung Dual Citizenship Law.
Ang mahalaga sa akin ay dapat sa lalong madaling
panahon ay madesisyunan na ito dahil ultimately ang Korte Suprema ang siyang
magpapasya kung siya ba ay kwalipikado na tumakbo bilang Pangulo ng ating
bansa. Sa aking tingin, ang citizenship ni Senadora Poe ay isang legal issue na
ang pinal na resolution ay magagawa lamang ng Korte Suprema.
Dahilan po sa kung titingnan mo, apat lang po sa
siyam na miyembero nito ang abugado, dahilan po sa iyan ang komposisyon ng
Senate Electoral Tribunal. Kaya nga po sa lalong madaling panahon ay dapat
matapos na ito para madesisyunan na ng Korte Suprema ultimately.
Q: Yung sinasabi niyong desisyon, iba pa po yung sa
Senate Electoral Tribunal, iba pa yung sa Korte Suprema?
SPFMD: Whatever ang desisyon ng Senate Electoral
Tribunal ay dadalhin sa Korte Suprema.
Q: Hindi pa pala tapos ano?
SPFMD: Hindi po pa final yan. Si David man o si
Senator Poe ang manalo sa tribunal, ang citizenship issue ay dadalhin sa Korte
Suprema.
Q: Doon po naman sa nangyaring kidnapping sa Davao
Del Norte, ano po ang inyong reaksyon diyan?
SPFMD: Kinukundena po natin ang nangyaring
pagkidnap sa 3 dayuhan at 1 Filipina sa Samal Island sa Davao Del
Norte. Wala pong lugar sa ating lipunan ang ganyang krimen, at kailangan po ay
ang PNP ay agarang sikaping maibalik ang mga biktima at dalhin sa hustisya
itong mga nasa likod ng krimen na ito.
Q: May mga nagpapahayag na dapat maginhibit dito sa
SET si Senior Associate Justice Antonio Carpio.
SPFMD: May rules ang Korte Suprema tungkol sa
inhibition, at si Justice Carpio po ang nakakaalam ng requiermento niyan.
Kilala ko po si Justice Tony Carpio, matino po iyan, at hindi po niya ilalagay
ang kanyang pangalan sa alanganin. He has always been a very decent man and one
of the most brilliant minds na kilala ko.
Yung inhibition is governed by the rules of the
Supreme Court. Kung mayroong basehan, ay hindi magdadalawang isip iyan si
Justice Carpio. Pero kung walang dahilan ay hindi siya magpapadala sa ganyang
mga klaseng salita.
Q: Buo na po ba ang lineup ng LP sa senatorial
elections? Ano po ang timeline?
SPFMD: May timeline, hanggang end of the
month ay kailangan po matapos na iyan, sa susunod na linggo hanggang September
30. Sa aking tingin ay dapat mabuo na iyan ay huwag na ipagpaliban pa.
Sa senatorial slate, ay malapit na po. Medyo
masikip lahat, may mga 15 pangalan na nasa listahan at lahat po iyan ay
talagang iniisa-isa namin nang para maiharap namin sa taumbayan ang mga
pinakamagaling na linya dapat para sa Senado.
Q: May backup plan po ba kapag hindi pumayag si
Representative Robredo bilang VP?
SPFMD: Let us cross the bridge when we get there.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento