Huwebes, Enero 7, 2016

Senate focused on legislative agenda despite Mamasapano probe


While the Senate leadership supports the reopening of the Mamasapano probe, Senate President Franklin M. Drilon said that he can only hope that the move will not further cause delay in the enactment of the proposed Bangsamoro Basic Law (BBL).

“If reopening the Mamasapano will allow our esteemed colleague Senator Juan Ponce Enrile to ask questions that he deemed are important to ferret out the truth, then we support it,” Drilon said.

But given the upper chamber's extremely tight working schedule, I am really hoping that the additional hearings will not affect the Senate’s work on its continuing legislative priorities,” Drilon explained.

“When we resume our plenary sessions on January 18, we have only about nine full session days left before we again adjourn our sessions on February 5,” Drilon added.

“We still have many proposed legislation to discuss and work on such as the BBL and the proposed salary hike for public sector workers, so I am hopeful that reopening the Mamasapano probe will not draw time, attention and energies away from our lawmaking duties," Drilon said.

The Senate leader also expressed concerns that the passage of the BBL may again be put in peril due to the issues surrounding the Mamasapano incident.

“The Mamasapano incident had created an immense political storm that seriously affected the peace process which we had hoped would end decades of armed conflict in that part of the country,” Drilon said.  

While Drilon gave assurance that the passage of the BBL will be the Senate’s top priority, he hoped that the ceasefire between the government and the Moro Islamic Liberation Front (MILF) will continue to hold even if the current Congress fails to pass the bill.

“The peace process between the Philippine government and the MILF must continue to hold even if the 16th Congress runs out of time in passing the proposed BBL organic law. We must not abandon the many successes we have made so far in the Mindanao peace process," Drilon concluded.


Martes, Disyembre 29, 2015

"Letty a resolute leader and generous mentor"

Senate President Franklin M. Drilon today filed a resolution expressing the Senate’s profound sympathy and sincere condolence on the death of esteemed journalist and long-time editor in chief of the Philippine Daily Inquirer (PDI), Letty Jimenez-Magsanoc. 

In his proposed Senate Resolution, Drilon hailed Magsanoc, who was at the helm of the PDI for 24 years, as “a resolute leader and a generous mentor to her colleagues in the profession.”

“Magsanoc’s commitment to responsible, complete and fair reporting, regardless of the risks and hazards such vow entails, cultivated higher ethical standards in the field of journalism and fostered a steadfast pursuit for the truth,” Drilon said. 

Considered as one of the country’s most accomplished  journalists, Magsanoc’s career spanned several decades, beginning with her stint as a writer for the Manila Bulletin in 1969. She worked for various publications like the Philippine Panorama (1976-1981) and Mr. & Ms. Special Edition (1983-1986) before she co-founded the Philippine Daily Inquirer in 1985, which she had served as editor-in-chief since 1991.  

Drilon noted that Magsanoc’s contributions to Philippine journalism merited her numerous awards and citations, including “The Star of Asia”, 25 Business Week International Magazine (2000), “Marcelo del Pilar Journalism Award for Print”, Rotary Club of Manila (2000), “60 Years of Asian Heroes”, Time Magazine International (2006), and “Journalist of the Year”, 19th Rotary Club of Manila Journalism Awards (2015). 

Apart from her excellent record as a journalist, Drilon said that Magsanoc also “stood as a prominent sentinel of press freedom who actively resisted any form of undue suppression in journalism and bravely wielded her pen to expose the truth, despite the perils of such a courageous stance.”

During the Marcos regime, Magsanoc became known for her forced resignation as editor-in-chief of the Panorama, due to writing defiant articles critical of the government. The event became one of the highlights in the anti-dictatorship and press freedom movements of the 1980’s. 

“Her fearlessness inspired colleagues in the profession whose collective efforts set off a series of events that precipitated the country’s freedom from the clutches of a dictatorial government,” Drilon said. 

The Senate will adopt the resolution when it resumes session next month, a copy of which will be presented by the Senate to the late journalist’s family.



Martes, Disyembre 22, 2015

Budget will ensure unimpeded delivery of services to the people

As President Benigno Aquino III signs the 2016 General Appropriations Act into law, I wish to congratulate the Aquino administration for having achieved a consistent record of approving the national budget on schedule for the past six years.

This achievement in budgetary reform and transparency is no small feat. To my recollection, in our recent national history, only the present Aquino administration was able to ensure the timely passage of the national budget throughout its term, which means unimpeded delivery of services to the Filipino people.
 
At P 3.002 trillion, our budget for next year is the largest yet in our government’s fiscal records. This is necessary however, to sustain the pro-people investment of the current administration. With P411.91 billion going to the education sector and P123.51 billion for the health sector next year, our allocations on social services directly helping our countrymen are much higher compared to past administrations.

It will be a challenge for the Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Bureau of Customs (BOC) to improve and enhance their revenue collection strategies in order that we will have ample funds for all the programs and services earmarked under the 2016 budget. With the many reforms instituted in both the BIR and the BOC during this administration, this goal is surely possible.     

Sabado, Disyembre 19, 2015

We should aim for fair, credible and orderly election in 2016


Amid the noise of the disqualification cases filed against candidates in the 2016 elections, the Commission on Election (Comelec) must uphold and the public must observe the country's election laws and its regulations for a fair, credible and orderly election next year, Senate President Franklin M. Drilon said.       

“We have rules which are necessary for an orderly society,” Drilon said during this week’s Kapihan sa Senado, when sought for comment on statements made by former President Fidel Ramos to leave the disqualification cases against presidential aspirants in the hands of the people to decide.

“If we just say that we let the people decide, then we might as well throw all the rules out of the window, let’s discard all the rules, and let everybody run,” Drilon stressed.

The former Justice Secretary said there are rules that govern the conduct of elections in the country, which the Comelec is duty-bound to observe and implement.

He added that these rules are in accordance with the Constitution that provides clear guidelines regarding the conduct of elections in the country.

“We have basic rules which in any civilized society will be necessary in order to prevent disorder. So if you are saying just let the people decide, precisely there are rules in order that people can rationally decide,” Drilon said.

He pointed out that it is due to these rules and regulations that the Comelec has to validate every certificate of candidacy (COC) filed before it and prevent nuisance candidates from running.

“Why do we disqualify people because they are nuisance candidates? Because we have certain rules to follow,” he added.

He pointed out that if the Comelec will go along with the let-the-people-decide philosophy, then the poll body erred in voiding the COCs filed by the other 125 presidential aspirants.

“If we are to apply the let-the-people-decide philosophy on the disqualification cases against Senator Grace Poe and Mayor Rodrigo Duterte, then the Comelec should have also allowed ‘Archangel Lucifer,’ ‘Kuya P,’ ‘Kapitan Kuryente,’ and all other individuals who filed their COCs to run for president,” Drilon said.

“We cannot provide exemptions to individuals under our laws and regulations while denying the same to others. If we leave the case of Poe and Duterte in the hands of the people to decide, then we should also ask them to decide on the fate of the 125 nuisance candidates who want to run for president. A situation like that is unacceptable,” the Senate chief concluded.


Lunes, Disyembre 14, 2015

Drilon to Comelec: Act on DQ cases now

Senate President Franklin M. Drilon today urged Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista to convene immediately the Comelec en banc in order that they can decide on the pending disqualification cases against presidential aspirants Senator Grace Poe and Davao City Mayor Rodrigo Duterte as soon as possible.

If unresolved, Drilon said it will pose serious threats to fair and credible elections next year.

“To ensure the conduct of a free, fair and credible election next year, I am calling on Chairman Andres Bautista and the members of the Commission on Elections to rule at the soonest on the petitions against Poe and Duterte on the basis of the merits presented by the parties involved,” said Drilon.

“The election is a basic tenet of democracy and any threat to it should be immediately resolved by the Comelec, being the sole body that has a Constitutional mandate to supervise the conduct of a free, fair and credible election in the country,” he stressed.

“Chairman Bautista should fulfill his patriotic duty and lead the Comelec in immediately providing a fair resolution to the petitions,” he added.

Drilon said that the early resolution of the petitions against Poe and Duterte will give the Supreme Court sufficient time to review and urgently render its verdict on the cases.

“Whatever the Comelec’s decision on the cases may be, I am sure that these will be brought before the Supreme Court for its final decision on the matter. The prompt action of the Comelec will give the high tribunal enough time to put these cases to rest,” said Drilon, a former Justice Secretary.

“It cannot be left hanging. The earlier the poll body can decide, the better it will be for the country,” he added.    

Drilon also said that the continuing uncertainty over the lack of resolution over these cases creates unnecessary political tensions.

He further said that there are groups that would take advantage of the inability of the Comelec to immediately resolve the petitions to spread lies and disrupt the conduct of peaceful and credible elections in the country.

“The talks of election delays are nothing but a part of sinister efforts peddled by certain quarters that are out to put a doubt on the minds of the public regarding the 2016 elections. We must not to fall into that trap,” Drilon said.


Martes, Disyembre 8, 2015

"Surveys reflect popular sentiment only for a particular period"

Q: Kumusta ho ang mga pagdinig sa Senado?

SPFMD: Unang una ibalita sa inyo na kagabi po ay natapos na ang bicameral conference committee hearings sa usapin tungkol sa budget. Ito po ang maganda, ang main features po ng ating budget, mayroon pong nakalaan na P57 billion para sa pagtaas ng sahod ng ating mga manggagawa o kawani sa pamahalaan. Pangalawa, yung DepEd ay tatanggap ng pinakamataas na pondo sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng mahigit sa P412 billion, o 22 percent higher sa kasalukuyang budget nito na P321 billion.

Q: Para po saan iyan? Will it include more funding para sa implementasyon ng K to 12 program?

SPFMD: Tama po iyan, ang implementasyon ng K to 12 program ay kasama po diyan at pagtatayo sa mahigit sa 47,500 classrooms. Pangalawa, nandiyan yung Department of Public Works and Highways, ang budget ay halos worth mga  P382 or P385 billion. Yung Department of Health, mga P124 billion. Yung Department of National Defense may mga P126 billion.

Q: Maihahabol naman po yung SSL, definitely mapipirmahan ng Presidente hindi ho ba?

SPFMD: Tama po iyan. Sa Miyerkules amin pong ira-ratify sa Senado itong budget at makakarating kay Pangulo by next week at sigurado bago mag-Pasko ay ito po ay mapipirmahan.  

Q: Pinatatanong po, aprubado na po ba yung SSS pension increase?

SPFMD: Oo, aprubado na po iyan. Inaprub na po namin iyan sa Senado at Kongreso. Pino-process po, hindi pa po dumadating sa akin galing sa Kamara de Representante yung printed copy. Yaan po ay mechanical na lang, at sigurado po ako na kapag nakarating sa akin po, ay pipirmahan ko agad at aking ipapadala sa Malakanyang para maaprubahan.

Q: Eto daw pong no-el scenario ay nanggaling sa Liberal Party. Totoo po ba iyan?

SPFMD: Yan ay kalokohan at walang katotohanan iyan. Bakit naman iyan gagawin iyan? Ang Pangulo ay binibilang na lang kung ilang araw na lang ang nalalabi sa kanyang administrasyon, at ibig nya na po magpahinga. He deserves to rest and he has served our country well. Yan pong mga intriga na iyan ay sana naman po ay huwag na natin bigyan ng halaga at hindi naman totoo iyan.

Q: Yung “no-bio no boto” na hinihiling pong ma-lift sa Comelec, pabor po ba ang Senado? Ipinasa ng Kongreso yung batas, dapat noon na qinuestion yung constitutionality. 

SPFMD: Tama, at ang mahalaga, magkaroon tayo ng malinis na halalan at itong hakbang na ito ay sang-ayon sa reglamento at sa batas na nagpapayo na dapat ay malinis ang ating halalan. Ako po ay sinusuportahan ko po ang posisyon ng Comelec dito ngunit nirerespeto ko naman kung anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema. Ang hinihiling ko lang sa Korte Suprema, wag naman tagalan ang decision dito, dahilan sa nakasalalay ang kinabukasan ng ating demokrasya.

Q: Yung latest SWS survey po, ano po ang reaksyon ng Liberal Party? Humina daw po ang endorsement power ng Pangulo.

SPFMD: Alam nyo po sa akin, ay palagi ang isang survey, ay iyan po ay repleksyon ng paniniwala ng taumbayan for a particular period. Tingnan mo lang, noong 6 na buwan na nakaraan hindi ba si Vice President Binay ay mukhang unbeatable for President? Ngayon po, ganun din si Senator Grace Poe. Dati mataas iyan , ngayon  No.2 na lang, naunahan ni Duterte. Ang ibig ko lang ipaabot, na itong mga surveys na ito ay pagsisilip lamang sa attitude on a particular period.

Limang buwan pa ang halalan, and we realize at the Liberal Party na kailangang magtrabaho kami nang husto. Ngunit hindi ibig sabihin na ito na yun, talo na. Malakas po, siguro kailangang na marinig at maipaliwanag ng husto ang programa ng administrasyon na dapat ipagpatuloy natin ang “Daang Matuwid”. Maraming mahihirap sa ilalim ng Pantawid Pamily Program na umangat ang buhay.

Q: Binawasan daw po ng Senado yung budget ng CCT sa DSWD?

SPFMD: Sa pag-uusap po namin ni Senator Legarda, kami po ay nag-aalangan, at hindi sangayon si Senator Legarda na bawasan ang budget ng DSWD. I can’t confirm that yet dahil sinabi lang sa akin kagabi, hindi ko pa nakikita ang actual budget. Pinakamabuti either si Congressman Ungab at si Senator Legarda ang inyong matawagan dahil sila po ang nakakaalam, sila po ang nakatutok.

Q: May tsimis po, si Congressman Ungab ay lilipat na daw po. Lumipat na po ba?

SPFMD: Alam ko po magkaibigan si Congressman Ungab at si Mayor Digong. Magkaibigan iyan. Kung iyan ang mangyayari ay hindi na ako magugulat, ganoon talaga sa ating pulitika, kapag magka-ibigan, kaya siguro naman aminin na niya na hindi niya maiwanan ang kanyang kaibigan. Wala namang masama doon.

Q: Alam namin po na isa sa mga concerns ay ang Negros. Mukhang matindi po ang complikasyon diyan sa Negros, dahil sa laban ni Cong. Albee Abelardo Benitez at Governor Coscoluella.

SPFMD: Unang-una, hindi naman po sila naglalaban sa pulitika. Sa pagkakaalam ko, hindi naman kandidato si dating Gov. Coscoluella, hindi po siya kandidato. Siya lang po ang nangunguna sa pagkandidato ni Secretary Mar Roxas sa Negros, pero hindi po siya kakandidato.

Pangalawa po, yung pong sinasabing komplikasyon ay medyo eksaherado at kami po ay naniniwala kami na ang Negros Occidental ay susuportahin po ang Tuwid na Daan, at susuportahin si Mar Roxas, dahil po sa ang kanyang ina, si Judy ay taga Negros, at malakas po ang aming kandidato doon. Sa bawat eleksyon na nakaraan, ay palagi pong nanalo doon.

Sa mga kampanya ay palaging may mga gusot na dapat ayusin pero hindi po dapat iyan blown out of proportion.

Q: Kayo po ba sa LP ay umaasa na magnunumber one si Secretary Mar Roxas?

SPFMD:  Siyempre, at iyan po ay aming pagsisikapan. Dahil kami po ay naniniwala na si Secretary Mar ay siyang kandidatong na makakapagpatuloy ng mga programa ng kasalukuyang administrasyon na umangat ang buhay ng ating mga kababayan.       

Miyerkules, Disyembre 2, 2015

"I have been fair in leading the Senate"

  
Q: Marami pa ring nakabinbin na panukalang batas diyan sa Senado. Ano ba ang pagasa ng mga iyan sa mga natitira niyo pang sesyon? 

SPFMD: Marami pang nakabinbin but marami na rin kaming naipasa. Sa kasalukuyan, ngayong linggong ito yung bicameral conference committee sa 2016 national budget ay baka tapusin po ang ating budget bago po matapos ang weekend. Kaya po next week ay sana po ay maipasa na namin at maipadala na sa ating Pangulo for his approval.

Pangalawa po yung Salary Standardization Law IV. Iyan po ay sa Lunes ay maipapasa namin. Kasama iyan sa budget, dahil sa budget ay may P57 billion para sa pagtaas ng sahod ng ating mga kawani sa pamahalaan. Ang detalya, ay doon nakalagay sa ating Salary Standardization Law IV, pero halimbawa, yung pong ating mga Teacher 1 – yung ating mga pinakabagong entry – ay tataas po ng around P500 plus per month, at sa 4 na taon ay aabot iyan sa mahigit P2000. Sa next years, bawat taon ay mayroon pong pagtaas ng sahod. Yung ating mga nurses, yung mga bagong nurse, sa ating pinakamababang nurses, ay ang tataas ang kanilang sahod by mahigit sa P1000, P1033 or P1050 sa susunod na taon at iyan po sa apat na taon ay magiging P5000.

So ito po ang ating binibigyan ng diin para sa ating mga  kababayan lalo na sa panahon ng budget, ay itong pagtaas ng sahod. Doon din sa budget ng COMELEC ay ating dinagdagan ng P500 million para po mapabilis ang pagbilang sa panahon ng halalan. So maraming mga iba’t – ibang panukalang batas ang makakatulong sa ating mga kababayan.

Q:  So yung signature ng Pangulo expected?

SPFMD: Halimbawa yung budget bago po mag December 25 ay pipirmahan po iyan ng Pangulo, ganoon din sa Salary Standardization Law IV ay bago po matapos ang taon ay iyan ay magiging effective by January 1, 2016.

Q: Tungkol po dito sa tax reform sa mababang kapulungan ng Kongreso?

SPFMD: Manggagaling po iyan sa mababang kapulungan dahil iyan ay isang revenue measure?

Q: May panahon pa po ba iyan? Kakayanin pa po ba? 

SPFMD: Kung mapipilit nila ay mayroon pa kaming sesyon sa Enero, mayroon pa kaming sesyon pagkatapos ng halalan, although medyo masikip but kung maipapasa sa Kamara, iyan po ay mahahabol sa Senado.

Q: Paano po iyon? Kapag sinabi ng Presidente, hindi siya pabor, at itong mga nasa Kongreso, ay sasabihin, “Iveveto lang iyan.”  

SPFMD: Alam mo noong napag-usapan namin iyan, hindi naman sa hindi pabor ang pangulo. Ang sinabi lang ng pangulo, “Pwede bang maghanap din tayo ng kapalit noong mawawalang buwis?” Kaya siguro iyan ang pinag-aaralan – at dapat siguro iyan ang pinag-aaralan - ng Kamara because that is also necessary para hindi mabawasan ang ating buwis, na kailangan din natin para sa serbisyo publiko.

Q: Yung BBL ba, may pag-asa pa ba iyan? Dahil kontrobersiyal pa rin iyan.

SPFMD: Patuloy po ang debate sa Senado. Kahapon lang, isang oras mahigit na tiantanong ni Senator Juan Ponce Enrile si Senator Marcos at ito po ay sa pagka-kaalam ko, isa o siya na lang ang natitirang magtatanong, at pagkatapos noon ay amendments na. Makakaya po namin sa Senado.      

Kahapon po ay inalabas ni Senator Enrile ang argumento na ito ay hindi namin dapat aksyonan hanggang hindi naipapasa sa Kamara de Representante. Bakit po? Kasi ang theory ni Senator Enrile, ito po ay bill of local application. Ibig sabihin, kung ito ay batas naman na hindi pang kalahatang batas o buong bansa ang maapektuhan o applicable ang batas. Halimbawa, yung pagbubuo sa isang lungsod, iyan po ay hindi namin pwedeng talakayin sa Senado kung hindi iyan maipapasa sa House dahil iyan po ang tinatawag natin sa Saligang Batas na bill of local application, na gaya ng revenue measure, ay doon dapat manggagaling sa House.

Iyan po ang theory ni Senator Enrile, pero sabi ko nga, wala namang bawal na ipagpatuloy natin ang debate natin. Ngayon, kung iyan po ang ating magpapasiyahan, na kailangan muna natin hintayin na maipasa sa House, then let’s accept that, ngunit dapat ay handa na po kaming ipasa pag natapos na sa House para maiwasan na ang constitutional issue na ito ay hindi pwedeng talakayin sa Senado kung hindi muna tatapusin sa House.

Q: Ano ang hinihintay niyo na timetable sa House?

SPFMD: Sa akin po ay dapat bago matapos ang taon, or by the latest ay before the end of January next year ay dapat naipasa na po ito.

Q: Kapag lumagpas po ng January ay lalabo na po, na parang wala na kayong ample time.

SPFMD: Medyo mahirap na. Pero ang aming gagawin, we will do everything short of voting. Ibig sabihin, tapusin na natin ang mga debate, pagtatanong, at tapusin na ang mga amendments. Pero hindi po namin aaktuhan hanggang hindi ito naipapasa sa House of Representatives. So from the moment na maipasa nila, handa and gagawin, handa na namin ipasa the following day. Ibig sabihin, lahat ng kailangang gawin ay nagawa na by the time that we receive the House version.

Q: Ano po yung pinakacontentious provision diyan sa BBL?

SPFMD: Madami. Pero iyang mga iyan ay pwede namang magamot. Halimbawa yung issue ng bakit sa Bangsamoro Basic Law, o yun ba eh magkahiwalay na estado itong “Bangsamoro”? Ito yung mga question na talagang pinaguusapan ng masinsinan dahil sabi mo nga, kontrobersyal  ito.

Q: Hindi talaga ito papasa as it was na the way na gusto talaga?

SPFMD: Yes. Hindi talaga pwe-pwede. In fact, yung substitute bill na pinag-uusapan sa Senado, ang lahat po ng mga sinasabing labag sa Saligang Batas ay amin pong inayos. So I can assure na magkaiba po ang version, at lahat po ng medyo alanganin dahil po sa ating Saligang Batas ay amin na pong tinanggal.

Q: So far, sa Senate ano ang kino-consider niyo na pinakamalaking investigation na nagawa ninyo this 16th Congress?

SPFMD: Yung PDAF investigations po, kung imbestigasyon ang pag-uusapan, dahil ang resulta noon ay nawala ang PDAF sa budget. At yaan po sa Senado, kahit noong hindi pa nagruling ang Korte Suprema ay amin na pong tinanggal ang PDAF sa budget.

Q: Sabi nila, the power of the purse ay nasa Kongreso, pero ang control naman ay nasa Pangulo.

SPFMD: Yaan naman ay sa ating sistema ay meron tayong check and balance. Hindi ibig sabihin na kung ilalagay namin sa budget ay iyan ay agad-agad maaprubahan o marerelease. Huwag nating kalimutan na ang budget ay authorization lamang. Dahil hindi pa nakokolekta ang buwis eh, saan nanggagaling ang budget kundi sa buwis? Ihighlight ko lang, tulad ng usapan natin yung 2016 na gastusin, kalian natin makikita ang pera na para po sa gagamitin sa gastusin natin?  Iyan po ay buwis na kinokolekta. Kaya po yung ating budget ay ibig sabihin po niyan ay authorization to spend. Ngayon, kung may target po sa income tax collection, ay theoretically , P3 trillion and yun din ang authorization na binigay mo sa Pangulo para pirmahan. Ngayon kung less than P3 trillion ang nakolekta? May kapangyarihan ang Pangulo na huwag  irelease ang budget, dahil kulang ang nakolekta natin. Kaya huwag po natin kalimutan, ang budget ay authorization lamang.

Pangalawa po, iyan o ay nasa ating system of check and balance. May kapangyarihan ang Pangulo to withhold releases. Pangatlo, yung sinasabi nilang bakit may lumpsum diyan, ay hindi po natinmabilang ang dadating na bagyo next year. Kaya necessarily, mayroong mga lumpsums na nakalagay – yung calamity fund, yoon ay hindi pwedeng hiwalayin. Ngayon pagdating sa mga sahod, kailangang titingnan at yoon talaga ay specific na ito ang para sa sahod, ito ang para sa transportasyon, etc. Ngunit may iilang item, na hindi pwedeng hiwalayin, because of their very nature, paano po natin iyan hihiwalayin isa-isa?

Ang check dyan is the way these are disbursed and COA na po ang mag-checheck niyan.

Q:  Saying na pwede i-withold ng Presidente ang release ng budget, hindi ba dito pumapasok yung nakakapamili ng “Eto, kalaban natin ito,” yung ganun?

SPFMD: Well admittedly pwede mangyari iyan. But, may pananagutan ang elected official kapag ginawa niya iyan. That’s also applicable say, sa ating mg alkalde. Ganyan talaga ang sistema natin, otherwise, kung lahat po naman ay kung ano ang nakalagay diyan ay  dapat wala nang diskresyon, ay ano ang mangyayari sa atin? Kongreso na ang magiging pinka-powerful na ahensiya, dahil kung ano ang gusto naming ilagay doon ay hindi na pwedeng pigilan ng kahit ano mang ahensya ng pamahalaan. Halimbawa yung Supreme Court, pwede pong sabihin na “Mali ang Pangulo, dapat irelease mo ito.” So yan ang ating sistema ng pamamahala, ang tawag diyan, system of checks and balances.

Q: Itong nangyari kay Grace Poe, yung pagkakadisqualify sa kanya, ano ang ba ninyo dahil marami ang nagsasabi ay ang papaburan niyan ang kandidato ng LP na si Mar Roxas?

SPFMD: Ay hindi naman siguro dahil lahat ng iyan ay base sa batas, sa basa ng Comelec. Ala naman pong sinasabi na ganoon, sa SET hindi po ba ay ganoon din, same set of thoughts ay insofar as the citizenship is concerned. Yan po ay may LP member doon sa SET, si Senator Bam Aqunio, who voted in her favor. 

Uulitin ko lang, ang issue doon sa citizenship ay pareho doon sa Comelec at sa SET. Sa SET, ang aming miyembro na si Senator Bam Aquino, voted in favor of Senator Grace Poe. Ang Comelec naman, voted against her. So talagang kanya-kanya iyang pag-assess ng batas at ng facts na naiharap sa tribunal.

Q: Do you know this Atty. Estrella Elamparo?

SPFMD: Hindi ko kilala. I don’t know her.

Q: So hindi ito connected sa Liberal Party?

SPFMD: No, not at all. No, I don’t know her, and she is not connected, just to be clear.  

Q: Habang dumadami ba ang kandidato, mas pabor ba kay Mar Roxas?

SPFMD: Hindi ko alam, nandiyan din kasi si Duterte. Ang sabi nga ni Sen.Serge Osmena, ang entry ni Duterte ay makakabawas kay Sen. Grace Poe, dahilan sa kanyang pag-aaral, si Grace Poe ang nabebenipisyohan nung wala pa si Duterte. So hindi mo masabi, all of these are speculative. Siguro yung pollster, yung Pulse Asia, yung SWS yung makakapagbigay ng opinyon tungkol diyan.

Q: Yung Liberal Party ba ang gumagastos sa ads ni Mar Roxas ngayon?

SPFMD: Sa ngayon? Well, ganoon din sa ibang kandidato. Hindi ko alam kasi wala naman ako sa Finance Committee, kaya hindi ko alam kung meron na sa partido ang kontribusyon diyan.

Q: Kayo ba sa Liberal Party, naguusap ba kayo as to how susuportahan ang isang kandidato ninyo?

SPFMD: Sa amin po, may sistema po kami ng kontribusyon, iyan po ay para po sa sahod ng aming staff sa headquarters. So may pondo po diyan, hindi ko lang alam kung magkano, yun pong magkano ang ire-reelease ng party. 

At tsaka hindi pa, malayo pa eh. Tsaka na yung pukpukan diyan, pag dating ng February.

Q: Bilang Senate President, sinasabi nila sa Senado na  kapag ikaw daw ang Senate President, gutom ‘sila,’ kuripot ka daw. 

SPFMD: Nag-iingat lang tayo sa kaban ng bayan. Hindi naman po pupwede na kahit anong hilingin mo ay pwede. Ating inaalagaan at kung ang tawag nila diyan ay ‘kuript’ ay tatanggapin ko, ngunit I would rather na huwag tayo mapuna na  ‘abusado’ sa pag-gastos sa kaban ng bayan. Gusto ko lang harapin, kung sino man iyan at ipaliwanag ko sa kanila ang mga benepisyo ng aming mga kawani at empleyado sa Senado.

Q: Ngayon sa desisyon kay Pemberton, ano ang nakikita niyong adjustment dito sa ating VFA, dito sa mga ganitong instances? 

SPFMD: Siguro dapat liwanagin ang place of detention, dahil iyan ang debate ngayon. Saan ba dapat ikukulong? Sa akin po, dapat sa Muntinlupa, dahilan po sa he was already convicted and that’s the place of detention for convicted prisoners. Iyan po siguro ang dapat liwanagin sa VFA.

Q: Sa VFA po ba ay naka-specify na pwepwede na ang America ang dedetermine sa ganyan? 

SPFMD: Hindi. Pag-uusapan ng magkabilang panig.                   

Q: Dapat mag-agree?

SPFMD:  Opo. Dapat magkaroon ng kasunduan. Yaan po ang interpretation ng mga Amerikano, na dapat pag-usapan. Sa akin naman, ang karapat-dapat na sa Muntinlupa ang kanyang kulong.

Q: So talagang dapat may review ito sa EDCA, sa VFA?

SPFMD: Sa akin po ay nasa implementing rules yan eh. Dahil doon na yun nakalagay sa VFA.                      
      
Q: So it’s more of the implementing rules rather than the batas mismo?

SPFMD: Dapat lang. Ganoon ho yun eh. Wala namang question na pagna-convict ay makukulong, at makukulong sa ating bansa. Ngayon, ang pinag-uusapan na lang, ano yung kulungan at ano yung detention. Kaya sa akin, sa implementing rules na lang iyan.

Q: May nakikita ba kayo na epekto nito sa relationship ng US at ng Pilipinas?

SPFMD:  Wala sa akin wala. This is an individual offense and rather sa America, apag nagkamali ka and lumabag ka sa batas ng America, ikaw rin ay paparusahan. Ganoon din ang sitwasyon dito.

Q: What are your expectations ngayon sa lagay ng politika? Ano yung inyong maihahain na bago sa panibagong pasok ng bagong Kongreso? Matagal na kayo sa pulitika eh.

SPFMD: Yes, marami na rin akong nagawa. Just as an example, noong binuo ko yung Dual Citizenship Act, ibig sabihin yung pinapayagang maging Pilipino yung mga nasa ibang bansa, hindi ko akalaing iyan ang magiging issue ngayon. Ako ang nagbigay ng pagkakataon na maibabalik ang citizenship. Yung Sin Tax, pinagtrabahuhan din natin iyan.

Ngayon sa tanong mo, ano pa ba ang dapat natin tingnan? Alam mo, you caught me there. I have been so busy, I have not really reviewed everything and see kung saan pa at alin pa ang mga batas na hindi pa namin naipapasa ngayon – at marami iyan ang dapat natin tingnan. Halimbawa, yung pinag-uusapan namin sa Senado, yung libreng college education para sa lahat ng public schools at state universities and colleges. 

Q: Maipapasa nyo pa po ba iyan ngayong 16thCongress? 

SPFMD: Medyo hirap na. Yun ang isang magandang batas na pwede nating itulak.

Q: Yung anti-dynasty bill?

SPFMD: I am proud, wala akong kamag-anak na nasa pulitika. Merong isa, pero second cousin na, si Mayor Jed Mabilog of Iloilo. Ako po, sinusuporta ko po iyan.

Q: Dead na ang FOI?

SPFMD:  Sa Senado ang FOI ipinasa na po namin iyan, 2 taon na ang nakaraan. Nasa House, hindi ko lang alam kung what stage. Pero po sa Sendao ay naipasa na po iyan. 

Q: Ilan na ba sa LP ang lumipat kay Duterte nang mag-decide ito na tumakbo?

SPFMD: Personally, wala akong alam, yung nabasa ko lang sa pahayaga. Sa akin, expected na iyan dahil yung sinasabing mga taga-Davao, matagal nang mayor si Duterte sa Davao City kaya natural lamang na mga ilan sa aming mga kasamahan sa Davao ay lilipat sa kaniya. Dahil dito naman sa atin – at iyan siguro ang ating pagkukulang bilang sambayanan – wala tayong strong political party. Ang ibig sabihin, marami sa nangyayari sa ating pulitika ay based on personal relations. Siguro ang kailangan gawin ay palakasin natin ang politica party system, katulad sa America at England, kung saan ang pinagbabasihan ay ikaw ba at Republican o Democrat sa America. Sa akin, natural, tanggap iyan, kahit hindi si Digong ang tumakbo mawawala yung mga kasama mo in the course of the campaign.

Ang pagpapatakbo ng Senado. In general, sinasabi nga ng iba na ang pagiging pangulo ng senado, ibig sabihin nito ay mayroon kang pinapatakbong 23 republika dahil bawat isa sa kanila ay may sariling mandate, agenda, kaya dapat marunong kang bumalanse. That is the most difficult part of being the Senate President.

Q: Hindi mo ba na-experience yung mga kudeta?

SPFMD: Not in the recent past. Kung mapansin mo, magtatalong taon wala kang nababalitaan because there is stability in the Senate.

Q: How do you manage that?

SPFMD: By being fair. Ikaw naman bilang pangulo ng senado ay pangulo ka ng buong senado, hindi lang ng mayorya. I have been fair, miyembro ka man ng administrasyon o oposisyon dahil bawat senador ay may sariling mandate. Halimbawa, wala ka naming naririnig na unfair treatment kay Senator Binay, anak siya ng Bise President. Kailangan din na huwag mong isipin na someone will stab you in the back at may papalit sayo. Kasi hindi ka makakapag-concentrate on what you are elected to do which is to legislate.

Q: Sa eleksyon ngayon, siguro hindi na malaki ang gagastusin mo dahil matagal ka naman na?

SPFMD: Siguro naman dahilan sa medyo mataas na rin ang aking awarenesss, halos 99% ng ating kababayan ay kilala si Senator Drilon, at marami na rin tayong natulungan at nagawa kaya hindi na po siguro ganoon kalaki ang kailangan para magpakilala kung ikukumpara mo sa mga bagong papasok o kandidato, na kailangan muna nilang magpakilala.

Q: Yung nakita ninyong pagbabago sa larangan ng kampanya, ngayon pumasok na ang social media, ano yung pinakamatinding changes sa larangan ng pagtakbo ngayon?

SPFMD: Media. Dahilan sa kapag wala kang exposure sa media ay hindi ka maalaala, kaya mas lamang yung mga nasa entertainment. Yung ibang mga tumatakbo, na wala pang national exposure, talagang malaki ang magagastos.

Q: Sa puso mo ba, talagang gusto mong maging president si Roxas?

SPFMD: Si Mar Roxas po ay may kakayahan po na maging pangulo. Marami nap o siyang nahawakang pwesto sa pamahalaan, naging senador, at wala ka naming naririnig na nasangkot sa katiwalian. Sa lahat po, he has the qualification to run this country.

Q: Noong nililigawan nila si Poe na maging bise presidente, ikaw ba wholeheartedly gusto mo rin yun?

SPFMD: Ineendorso ko yung pakikipag-usap kay Senator Poe bilang vice president.

Q: Accepted n’yo po na si Poe ang malakas na kalaban ni Roxas?

SPFMD: Accepted ko po iyan at siya ang nangunguna sa survey. Ngunit anim na buwan pa bago ang halala at marami pa ang mangyayari.

Q: Si PNoy ay um-attend ng Paris at isa sa kaniyang mga isinusulong ay yung climate change, ano yung position ng senado dito?

SPFMD: Sinusuportahan po naming iyan at isa sa pagpapakita naming ng suporta ay sa pamamagitan ng budget na aming ipapasa bago matapos ang taon. Ang ingklinasyon po ay kailangan nating pondohona ang mga activities in relation to climate change. For example, yung tinatawag nating quick response fund na ating dinagdagan para kapag may sakuna ay maka-respond kaagad ang ahensya na ating pamahalaan to these disasters.

Q: Kung ma-re-elect kayo ulit, would you push for an immediate review of the Constitution?

SPFMD: Sinusuportahan kop o iyan dahilan sa itong ating Saligang Batas ay binuo noong 1986 at huwag nating kalimutan na kalalabas lang natin noon sa Martial Law, kaya marami siguro sa mga provision na pwede nating tinagnan ulit. Pangalawa, marami na ang nagyari sa buong mundo simulang noong 1987, kaya baka naman pwede nating luwagan yung ioang provision diyan na too restrictive in order to adjust to the times.

Q: Yung ating problema sa West Philippine Sea, ano ang inyong position dito?

Nakasuporta tayo sa pamamaraan na ginagawa ng ating pamahalaan para ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Seat. Ang UN Arbitration po ang siyang tamang paraan, dahilan sa hindi naman tayo pwedeng lumaban sa China both economically and military. Iyon po ay tanggap natin at hindi naman tayo nag-iisa sa ganoong sitwasyon. Kaya ang ating ginawa that we resorted to international arbitration is the best way to resolve the issue. We won the first round, ang sabi ng arbitration panel ay mayroon silang jurisdiction para mag-rule sa kasong ito. Naisumite na natin ang ating kaso, ayaw pong humarap ng China. Sa Hunyo, sa aking pagkakaalam, ay magkakaroon ng desisyon.

Q: Matagal na rin po kayo sa Senado. Ano pa po ba ang sa tingin niyo ang magagawa niyo?

SPFMD: Malawak na po ang aking karanasanan. Makakatulong ako in continuously shaping the policy of our country.

Q: Sa tingin n’yo ba magiging malinis ang eleksyon ngayon, at may P500 million na dagdag kamo sa pondo ng Comelec?

SPFMD: Para po sa transmission facilties. Dahilan sa noong nakaraang halalan ay noly about 75-80% ang na-transmit. Bakit? Dahilan sa kulang yung cell sites. Marami pa sa ating lalawigan ang walang pang cell sites. Kaya ako ay kampante na pagdating ng halalan sa Mayo, makikita kaagad natin ang resulta in 24 to 48 hours.

Q: Are you for the No Bio, No Boto?

SPFMD: Sa aking po, it’s pending in the Supreme Court. Sa akin po, ang lahat na kailangan nating upang maging malinis na halalan, iyan po ang pinakaimportante. Iyang policy, kaya tinatanong ko sa Mindanao noong budget hearing, nag-delisting na ba kayo dahil ang sabi nga marmaing ‘the birds and the bees”. Iyan po ay kung ano man ang kailangan natin para maging malinis ang halalan natin mula registration hanggang tabulation, sinusuportahan po natin iyan.