Q: Kumusta ho ang mga pagdinig sa Senado?
SPFMD: Unang una ibalita sa inyo na kagabi po ay
natapos na ang bicameral conference committee hearings sa usapin tungkol sa
budget. Ito po ang maganda, ang main features po ng ating budget, mayroon pong
nakalaan na P57 billion para sa pagtaas ng sahod ng ating mga manggagawa o
kawani sa pamahalaan. Pangalawa, yung DepEd ay tatanggap ng pinakamataas na
pondo sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng mahigit sa P412 billion, o 22
percent higher sa kasalukuyang budget nito na P321 billion.
Q: Para po saan iyan? Will it include more funding para
sa implementasyon ng K to 12 program?
SPFMD: Tama po iyan, ang implementasyon ng K to
12 program ay kasama po diyan at pagtatayo sa mahigit sa 47,500 classrooms.
Pangalawa, nandiyan yung Department of Public Works and Highways, ang budget ay
halos worth mga P382 or P385 billion. Yung Department of Health, mga P124
billion. Yung Department of National Defense may mga P126 billion.
Q: Maihahabol naman po yung SSL, definitely mapipirmahan
ng Presidente hindi ho ba?
SPFMD: Tama po iyan. Sa Miyerkules amin pong
ira-ratify sa Senado itong budget at makakarating kay Pangulo by next week at
sigurado bago mag-Pasko ay ito po ay mapipirmahan.
Q: Pinatatanong po, aprubado na po ba yung SSS pension
increase?
SPFMD: Oo, aprubado na po iyan. Inaprub na po
namin iyan sa Senado at Kongreso. Pino-process po, hindi pa po dumadating sa
akin galing sa Kamara de Representante yung printed copy. Yaan po ay mechanical
na lang, at sigurado po ako na kapag nakarating sa akin po, ay pipirmahan ko
agad at aking ipapadala sa Malakanyang para maaprubahan.
Q: Eto daw pong no-el scenario ay nanggaling sa Liberal
Party. Totoo po ba iyan?
SPFMD: Yan ay kalokohan at walang katotohanan iyan. Bakit naman iyan gagawin
iyan? Ang Pangulo ay binibilang na lang kung ilang araw na lang ang nalalabi sa
kanyang administrasyon, at ibig nya na po magpahinga. He deserves to rest and
he has served our country well. Yan pong mga intriga na iyan ay sana naman po
ay huwag na natin bigyan ng halaga at hindi naman totoo iyan.
Q: Yung “no-bio no boto” na hinihiling pong ma-lift sa
Comelec, pabor po ba ang Senado? Ipinasa ng Kongreso yung batas, dapat noon na
qinuestion yung constitutionality.
SPFMD: Tama, at ang mahalaga, magkaroon tayo ng malinis na halalan at itong
hakbang na ito ay sang-ayon sa reglamento at sa batas na nagpapayo na dapat ay
malinis ang ating halalan. Ako po ay sinusuportahan ko po ang posisyon ng
Comelec dito ngunit nirerespeto ko naman kung anuman ang magiging desisyon ng
Korte Suprema. Ang hinihiling ko lang sa Korte Suprema, wag naman tagalan ang
decision dito, dahilan sa nakasalalay ang kinabukasan ng ating demokrasya.
Q: Yung latest SWS survey po, ano po ang reaksyon ng
Liberal Party? Humina daw po ang endorsement power ng Pangulo.
SPFMD: Alam nyo po sa akin, ay palagi ang isang survey, ay iyan po ay
repleksyon ng paniniwala ng taumbayan for a particular period. Tingnan mo lang,
noong 6 na buwan na nakaraan hindi ba si Vice President Binay ay mukhang
unbeatable for President? Ngayon po, ganun din si Senator Grace Poe. Dati
mataas iyan , ngayon No.2 na lang, naunahan ni Duterte. Ang ibig ko lang
ipaabot, na itong mga surveys na ito ay pagsisilip lamang sa attitude on a
particular period.
Limang buwan pa ang
halalan, and we realize at the Liberal Party na kailangang magtrabaho kami nang
husto. Ngunit hindi ibig sabihin na ito na yun, talo na. Malakas po, siguro
kailangang na marinig at maipaliwanag ng husto ang programa ng administrasyon
na dapat ipagpatuloy natin ang “Daang Matuwid”. Maraming mahihirap sa ilalim ng
Pantawid Pamily Program na umangat ang buhay.
Q: Binawasan daw po ng Senado yung budget ng CCT sa DSWD?
SPFMD: Sa pag-uusap po namin ni Senator Legarda,
kami po ay nag-aalangan, at hindi sangayon si Senator Legarda na bawasan ang
budget ng DSWD. I can’t confirm that yet dahil sinabi lang sa akin kagabi,
hindi ko pa nakikita ang actual budget. Pinakamabuti either si Congressman
Ungab at si Senator Legarda ang inyong matawagan dahil sila po ang nakakaalam,
sila po ang nakatutok.
Q: May tsimis po, si Congressman Ungab ay lilipat na daw
po. Lumipat na po ba?
SPFMD: Alam ko po magkaibigan si Congressman
Ungab at si Mayor Digong. Magkaibigan iyan. Kung iyan ang mangyayari ay hindi
na ako magugulat, ganoon talaga sa ating pulitika, kapag magka-ibigan, kaya
siguro naman aminin na niya na hindi niya maiwanan ang kanyang kaibigan. Wala
namang masama doon.
Q: Alam namin po na isa sa mga concerns ay ang Negros.
Mukhang matindi po ang complikasyon diyan sa Negros, dahil sa laban ni Cong.
Albee Abelardo Benitez at Governor Coscoluella.
SPFMD: Unang-una, hindi naman po sila naglalaban
sa pulitika. Sa pagkakaalam ko, hindi naman kandidato si dating Gov.
Coscoluella, hindi po siya kandidato. Siya lang po ang nangunguna sa
pagkandidato ni Secretary Mar Roxas sa Negros, pero hindi po siya kakandidato.
Pangalawa po, yung
pong sinasabing komplikasyon ay medyo eksaherado at kami po ay naniniwala kami
na ang Negros Occidental ay susuportahin po ang Tuwid na Daan, at susuportahin
si Mar Roxas, dahil po sa ang kanyang ina, si Judy ay taga Negros, at malakas
po ang aming kandidato doon. Sa bawat eleksyon na nakaraan, ay palagi pong
nanalo doon.
Sa mga kampanya ay
palaging may mga gusot na dapat ayusin pero hindi po dapat iyan blown out of
proportion.
Q: Kayo po ba sa LP ay umaasa na magnunumber one si
Secretary Mar Roxas?
SPFMD: Siyempre, at iyan po ay aming
pagsisikapan. Dahil kami po ay naniniwala na si Secretary Mar ay siyang
kandidatong na makakapagpatuloy ng mga programa ng kasalukuyang administrasyon
na umangat ang buhay ng ating mga kababayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento