Miyerkules, Disyembre 2, 2015

"I have been fair in leading the Senate"

  
Q: Marami pa ring nakabinbin na panukalang batas diyan sa Senado. Ano ba ang pagasa ng mga iyan sa mga natitira niyo pang sesyon? 

SPFMD: Marami pang nakabinbin but marami na rin kaming naipasa. Sa kasalukuyan, ngayong linggong ito yung bicameral conference committee sa 2016 national budget ay baka tapusin po ang ating budget bago po matapos ang weekend. Kaya po next week ay sana po ay maipasa na namin at maipadala na sa ating Pangulo for his approval.

Pangalawa po yung Salary Standardization Law IV. Iyan po ay sa Lunes ay maipapasa namin. Kasama iyan sa budget, dahil sa budget ay may P57 billion para sa pagtaas ng sahod ng ating mga kawani sa pamahalaan. Ang detalya, ay doon nakalagay sa ating Salary Standardization Law IV, pero halimbawa, yung pong ating mga Teacher 1 – yung ating mga pinakabagong entry – ay tataas po ng around P500 plus per month, at sa 4 na taon ay aabot iyan sa mahigit P2000. Sa next years, bawat taon ay mayroon pong pagtaas ng sahod. Yung ating mga nurses, yung mga bagong nurse, sa ating pinakamababang nurses, ay ang tataas ang kanilang sahod by mahigit sa P1000, P1033 or P1050 sa susunod na taon at iyan po sa apat na taon ay magiging P5000.

So ito po ang ating binibigyan ng diin para sa ating mga  kababayan lalo na sa panahon ng budget, ay itong pagtaas ng sahod. Doon din sa budget ng COMELEC ay ating dinagdagan ng P500 million para po mapabilis ang pagbilang sa panahon ng halalan. So maraming mga iba’t – ibang panukalang batas ang makakatulong sa ating mga kababayan.

Q:  So yung signature ng Pangulo expected?

SPFMD: Halimbawa yung budget bago po mag December 25 ay pipirmahan po iyan ng Pangulo, ganoon din sa Salary Standardization Law IV ay bago po matapos ang taon ay iyan ay magiging effective by January 1, 2016.

Q: Tungkol po dito sa tax reform sa mababang kapulungan ng Kongreso?

SPFMD: Manggagaling po iyan sa mababang kapulungan dahil iyan ay isang revenue measure?

Q: May panahon pa po ba iyan? Kakayanin pa po ba? 

SPFMD: Kung mapipilit nila ay mayroon pa kaming sesyon sa Enero, mayroon pa kaming sesyon pagkatapos ng halalan, although medyo masikip but kung maipapasa sa Kamara, iyan po ay mahahabol sa Senado.

Q: Paano po iyon? Kapag sinabi ng Presidente, hindi siya pabor, at itong mga nasa Kongreso, ay sasabihin, “Iveveto lang iyan.”  

SPFMD: Alam mo noong napag-usapan namin iyan, hindi naman sa hindi pabor ang pangulo. Ang sinabi lang ng pangulo, “Pwede bang maghanap din tayo ng kapalit noong mawawalang buwis?” Kaya siguro iyan ang pinag-aaralan – at dapat siguro iyan ang pinag-aaralan - ng Kamara because that is also necessary para hindi mabawasan ang ating buwis, na kailangan din natin para sa serbisyo publiko.

Q: Yung BBL ba, may pag-asa pa ba iyan? Dahil kontrobersiyal pa rin iyan.

SPFMD: Patuloy po ang debate sa Senado. Kahapon lang, isang oras mahigit na tiantanong ni Senator Juan Ponce Enrile si Senator Marcos at ito po ay sa pagka-kaalam ko, isa o siya na lang ang natitirang magtatanong, at pagkatapos noon ay amendments na. Makakaya po namin sa Senado.      

Kahapon po ay inalabas ni Senator Enrile ang argumento na ito ay hindi namin dapat aksyonan hanggang hindi naipapasa sa Kamara de Representante. Bakit po? Kasi ang theory ni Senator Enrile, ito po ay bill of local application. Ibig sabihin, kung ito ay batas naman na hindi pang kalahatang batas o buong bansa ang maapektuhan o applicable ang batas. Halimbawa, yung pagbubuo sa isang lungsod, iyan po ay hindi namin pwedeng talakayin sa Senado kung hindi iyan maipapasa sa House dahil iyan po ang tinatawag natin sa Saligang Batas na bill of local application, na gaya ng revenue measure, ay doon dapat manggagaling sa House.

Iyan po ang theory ni Senator Enrile, pero sabi ko nga, wala namang bawal na ipagpatuloy natin ang debate natin. Ngayon, kung iyan po ang ating magpapasiyahan, na kailangan muna natin hintayin na maipasa sa House, then let’s accept that, ngunit dapat ay handa na po kaming ipasa pag natapos na sa House para maiwasan na ang constitutional issue na ito ay hindi pwedeng talakayin sa Senado kung hindi muna tatapusin sa House.

Q: Ano ang hinihintay niyo na timetable sa House?

SPFMD: Sa akin po ay dapat bago matapos ang taon, or by the latest ay before the end of January next year ay dapat naipasa na po ito.

Q: Kapag lumagpas po ng January ay lalabo na po, na parang wala na kayong ample time.

SPFMD: Medyo mahirap na. Pero ang aming gagawin, we will do everything short of voting. Ibig sabihin, tapusin na natin ang mga debate, pagtatanong, at tapusin na ang mga amendments. Pero hindi po namin aaktuhan hanggang hindi ito naipapasa sa House of Representatives. So from the moment na maipasa nila, handa and gagawin, handa na namin ipasa the following day. Ibig sabihin, lahat ng kailangang gawin ay nagawa na by the time that we receive the House version.

Q: Ano po yung pinakacontentious provision diyan sa BBL?

SPFMD: Madami. Pero iyang mga iyan ay pwede namang magamot. Halimbawa yung issue ng bakit sa Bangsamoro Basic Law, o yun ba eh magkahiwalay na estado itong “Bangsamoro”? Ito yung mga question na talagang pinaguusapan ng masinsinan dahil sabi mo nga, kontrobersyal  ito.

Q: Hindi talaga ito papasa as it was na the way na gusto talaga?

SPFMD: Yes. Hindi talaga pwe-pwede. In fact, yung substitute bill na pinag-uusapan sa Senado, ang lahat po ng mga sinasabing labag sa Saligang Batas ay amin pong inayos. So I can assure na magkaiba po ang version, at lahat po ng medyo alanganin dahil po sa ating Saligang Batas ay amin na pong tinanggal.

Q: So far, sa Senate ano ang kino-consider niyo na pinakamalaking investigation na nagawa ninyo this 16th Congress?

SPFMD: Yung PDAF investigations po, kung imbestigasyon ang pag-uusapan, dahil ang resulta noon ay nawala ang PDAF sa budget. At yaan po sa Senado, kahit noong hindi pa nagruling ang Korte Suprema ay amin na pong tinanggal ang PDAF sa budget.

Q: Sabi nila, the power of the purse ay nasa Kongreso, pero ang control naman ay nasa Pangulo.

SPFMD: Yaan naman ay sa ating sistema ay meron tayong check and balance. Hindi ibig sabihin na kung ilalagay namin sa budget ay iyan ay agad-agad maaprubahan o marerelease. Huwag nating kalimutan na ang budget ay authorization lamang. Dahil hindi pa nakokolekta ang buwis eh, saan nanggagaling ang budget kundi sa buwis? Ihighlight ko lang, tulad ng usapan natin yung 2016 na gastusin, kalian natin makikita ang pera na para po sa gagamitin sa gastusin natin?  Iyan po ay buwis na kinokolekta. Kaya po yung ating budget ay ibig sabihin po niyan ay authorization to spend. Ngayon, kung may target po sa income tax collection, ay theoretically , P3 trillion and yun din ang authorization na binigay mo sa Pangulo para pirmahan. Ngayon kung less than P3 trillion ang nakolekta? May kapangyarihan ang Pangulo na huwag  irelease ang budget, dahil kulang ang nakolekta natin. Kaya huwag po natin kalimutan, ang budget ay authorization lamang.

Pangalawa po, iyan o ay nasa ating system of check and balance. May kapangyarihan ang Pangulo to withhold releases. Pangatlo, yung sinasabi nilang bakit may lumpsum diyan, ay hindi po natinmabilang ang dadating na bagyo next year. Kaya necessarily, mayroong mga lumpsums na nakalagay – yung calamity fund, yoon ay hindi pwedeng hiwalayin. Ngayon pagdating sa mga sahod, kailangang titingnan at yoon talaga ay specific na ito ang para sa sahod, ito ang para sa transportasyon, etc. Ngunit may iilang item, na hindi pwedeng hiwalayin, because of their very nature, paano po natin iyan hihiwalayin isa-isa?

Ang check dyan is the way these are disbursed and COA na po ang mag-checheck niyan.

Q:  Saying na pwede i-withold ng Presidente ang release ng budget, hindi ba dito pumapasok yung nakakapamili ng “Eto, kalaban natin ito,” yung ganun?

SPFMD: Well admittedly pwede mangyari iyan. But, may pananagutan ang elected official kapag ginawa niya iyan. That’s also applicable say, sa ating mg alkalde. Ganyan talaga ang sistema natin, otherwise, kung lahat po naman ay kung ano ang nakalagay diyan ay  dapat wala nang diskresyon, ay ano ang mangyayari sa atin? Kongreso na ang magiging pinka-powerful na ahensiya, dahil kung ano ang gusto naming ilagay doon ay hindi na pwedeng pigilan ng kahit ano mang ahensya ng pamahalaan. Halimbawa yung Supreme Court, pwede pong sabihin na “Mali ang Pangulo, dapat irelease mo ito.” So yan ang ating sistema ng pamamahala, ang tawag diyan, system of checks and balances.

Q: Itong nangyari kay Grace Poe, yung pagkakadisqualify sa kanya, ano ang ba ninyo dahil marami ang nagsasabi ay ang papaburan niyan ang kandidato ng LP na si Mar Roxas?

SPFMD: Ay hindi naman siguro dahil lahat ng iyan ay base sa batas, sa basa ng Comelec. Ala naman pong sinasabi na ganoon, sa SET hindi po ba ay ganoon din, same set of thoughts ay insofar as the citizenship is concerned. Yan po ay may LP member doon sa SET, si Senator Bam Aqunio, who voted in her favor. 

Uulitin ko lang, ang issue doon sa citizenship ay pareho doon sa Comelec at sa SET. Sa SET, ang aming miyembro na si Senator Bam Aquino, voted in favor of Senator Grace Poe. Ang Comelec naman, voted against her. So talagang kanya-kanya iyang pag-assess ng batas at ng facts na naiharap sa tribunal.

Q: Do you know this Atty. Estrella Elamparo?

SPFMD: Hindi ko kilala. I don’t know her.

Q: So hindi ito connected sa Liberal Party?

SPFMD: No, not at all. No, I don’t know her, and she is not connected, just to be clear.  

Q: Habang dumadami ba ang kandidato, mas pabor ba kay Mar Roxas?

SPFMD: Hindi ko alam, nandiyan din kasi si Duterte. Ang sabi nga ni Sen.Serge Osmena, ang entry ni Duterte ay makakabawas kay Sen. Grace Poe, dahilan sa kanyang pag-aaral, si Grace Poe ang nabebenipisyohan nung wala pa si Duterte. So hindi mo masabi, all of these are speculative. Siguro yung pollster, yung Pulse Asia, yung SWS yung makakapagbigay ng opinyon tungkol diyan.

Q: Yung Liberal Party ba ang gumagastos sa ads ni Mar Roxas ngayon?

SPFMD: Sa ngayon? Well, ganoon din sa ibang kandidato. Hindi ko alam kasi wala naman ako sa Finance Committee, kaya hindi ko alam kung meron na sa partido ang kontribusyon diyan.

Q: Kayo ba sa Liberal Party, naguusap ba kayo as to how susuportahan ang isang kandidato ninyo?

SPFMD: Sa amin po, may sistema po kami ng kontribusyon, iyan po ay para po sa sahod ng aming staff sa headquarters. So may pondo po diyan, hindi ko lang alam kung magkano, yun pong magkano ang ire-reelease ng party. 

At tsaka hindi pa, malayo pa eh. Tsaka na yung pukpukan diyan, pag dating ng February.

Q: Bilang Senate President, sinasabi nila sa Senado na  kapag ikaw daw ang Senate President, gutom ‘sila,’ kuripot ka daw. 

SPFMD: Nag-iingat lang tayo sa kaban ng bayan. Hindi naman po pupwede na kahit anong hilingin mo ay pwede. Ating inaalagaan at kung ang tawag nila diyan ay ‘kuript’ ay tatanggapin ko, ngunit I would rather na huwag tayo mapuna na  ‘abusado’ sa pag-gastos sa kaban ng bayan. Gusto ko lang harapin, kung sino man iyan at ipaliwanag ko sa kanila ang mga benepisyo ng aming mga kawani at empleyado sa Senado.

Q: Ngayon sa desisyon kay Pemberton, ano ang nakikita niyong adjustment dito sa ating VFA, dito sa mga ganitong instances? 

SPFMD: Siguro dapat liwanagin ang place of detention, dahil iyan ang debate ngayon. Saan ba dapat ikukulong? Sa akin po, dapat sa Muntinlupa, dahilan po sa he was already convicted and that’s the place of detention for convicted prisoners. Iyan po siguro ang dapat liwanagin sa VFA.

Q: Sa VFA po ba ay naka-specify na pwepwede na ang America ang dedetermine sa ganyan? 

SPFMD: Hindi. Pag-uusapan ng magkabilang panig.                   

Q: Dapat mag-agree?

SPFMD:  Opo. Dapat magkaroon ng kasunduan. Yaan po ang interpretation ng mga Amerikano, na dapat pag-usapan. Sa akin naman, ang karapat-dapat na sa Muntinlupa ang kanyang kulong.

Q: So talagang dapat may review ito sa EDCA, sa VFA?

SPFMD: Sa akin po ay nasa implementing rules yan eh. Dahil doon na yun nakalagay sa VFA.                      
      
Q: So it’s more of the implementing rules rather than the batas mismo?

SPFMD: Dapat lang. Ganoon ho yun eh. Wala namang question na pagna-convict ay makukulong, at makukulong sa ating bansa. Ngayon, ang pinag-uusapan na lang, ano yung kulungan at ano yung detention. Kaya sa akin, sa implementing rules na lang iyan.

Q: May nakikita ba kayo na epekto nito sa relationship ng US at ng Pilipinas?

SPFMD:  Wala sa akin wala. This is an individual offense and rather sa America, apag nagkamali ka and lumabag ka sa batas ng America, ikaw rin ay paparusahan. Ganoon din ang sitwasyon dito.

Q: What are your expectations ngayon sa lagay ng politika? Ano yung inyong maihahain na bago sa panibagong pasok ng bagong Kongreso? Matagal na kayo sa pulitika eh.

SPFMD: Yes, marami na rin akong nagawa. Just as an example, noong binuo ko yung Dual Citizenship Act, ibig sabihin yung pinapayagang maging Pilipino yung mga nasa ibang bansa, hindi ko akalaing iyan ang magiging issue ngayon. Ako ang nagbigay ng pagkakataon na maibabalik ang citizenship. Yung Sin Tax, pinagtrabahuhan din natin iyan.

Ngayon sa tanong mo, ano pa ba ang dapat natin tingnan? Alam mo, you caught me there. I have been so busy, I have not really reviewed everything and see kung saan pa at alin pa ang mga batas na hindi pa namin naipapasa ngayon – at marami iyan ang dapat natin tingnan. Halimbawa, yung pinag-uusapan namin sa Senado, yung libreng college education para sa lahat ng public schools at state universities and colleges. 

Q: Maipapasa nyo pa po ba iyan ngayong 16thCongress? 

SPFMD: Medyo hirap na. Yun ang isang magandang batas na pwede nating itulak.

Q: Yung anti-dynasty bill?

SPFMD: I am proud, wala akong kamag-anak na nasa pulitika. Merong isa, pero second cousin na, si Mayor Jed Mabilog of Iloilo. Ako po, sinusuporta ko po iyan.

Q: Dead na ang FOI?

SPFMD:  Sa Senado ang FOI ipinasa na po namin iyan, 2 taon na ang nakaraan. Nasa House, hindi ko lang alam kung what stage. Pero po sa Sendao ay naipasa na po iyan. 

Q: Ilan na ba sa LP ang lumipat kay Duterte nang mag-decide ito na tumakbo?

SPFMD: Personally, wala akong alam, yung nabasa ko lang sa pahayaga. Sa akin, expected na iyan dahil yung sinasabing mga taga-Davao, matagal nang mayor si Duterte sa Davao City kaya natural lamang na mga ilan sa aming mga kasamahan sa Davao ay lilipat sa kaniya. Dahil dito naman sa atin – at iyan siguro ang ating pagkukulang bilang sambayanan – wala tayong strong political party. Ang ibig sabihin, marami sa nangyayari sa ating pulitika ay based on personal relations. Siguro ang kailangan gawin ay palakasin natin ang politica party system, katulad sa America at England, kung saan ang pinagbabasihan ay ikaw ba at Republican o Democrat sa America. Sa akin, natural, tanggap iyan, kahit hindi si Digong ang tumakbo mawawala yung mga kasama mo in the course of the campaign.

Ang pagpapatakbo ng Senado. In general, sinasabi nga ng iba na ang pagiging pangulo ng senado, ibig sabihin nito ay mayroon kang pinapatakbong 23 republika dahil bawat isa sa kanila ay may sariling mandate, agenda, kaya dapat marunong kang bumalanse. That is the most difficult part of being the Senate President.

Q: Hindi mo ba na-experience yung mga kudeta?

SPFMD: Not in the recent past. Kung mapansin mo, magtatalong taon wala kang nababalitaan because there is stability in the Senate.

Q: How do you manage that?

SPFMD: By being fair. Ikaw naman bilang pangulo ng senado ay pangulo ka ng buong senado, hindi lang ng mayorya. I have been fair, miyembro ka man ng administrasyon o oposisyon dahil bawat senador ay may sariling mandate. Halimbawa, wala ka naming naririnig na unfair treatment kay Senator Binay, anak siya ng Bise President. Kailangan din na huwag mong isipin na someone will stab you in the back at may papalit sayo. Kasi hindi ka makakapag-concentrate on what you are elected to do which is to legislate.

Q: Sa eleksyon ngayon, siguro hindi na malaki ang gagastusin mo dahil matagal ka naman na?

SPFMD: Siguro naman dahilan sa medyo mataas na rin ang aking awarenesss, halos 99% ng ating kababayan ay kilala si Senator Drilon, at marami na rin tayong natulungan at nagawa kaya hindi na po siguro ganoon kalaki ang kailangan para magpakilala kung ikukumpara mo sa mga bagong papasok o kandidato, na kailangan muna nilang magpakilala.

Q: Yung nakita ninyong pagbabago sa larangan ng kampanya, ngayon pumasok na ang social media, ano yung pinakamatinding changes sa larangan ng pagtakbo ngayon?

SPFMD: Media. Dahilan sa kapag wala kang exposure sa media ay hindi ka maalaala, kaya mas lamang yung mga nasa entertainment. Yung ibang mga tumatakbo, na wala pang national exposure, talagang malaki ang magagastos.

Q: Sa puso mo ba, talagang gusto mong maging president si Roxas?

SPFMD: Si Mar Roxas po ay may kakayahan po na maging pangulo. Marami nap o siyang nahawakang pwesto sa pamahalaan, naging senador, at wala ka naming naririnig na nasangkot sa katiwalian. Sa lahat po, he has the qualification to run this country.

Q: Noong nililigawan nila si Poe na maging bise presidente, ikaw ba wholeheartedly gusto mo rin yun?

SPFMD: Ineendorso ko yung pakikipag-usap kay Senator Poe bilang vice president.

Q: Accepted n’yo po na si Poe ang malakas na kalaban ni Roxas?

SPFMD: Accepted ko po iyan at siya ang nangunguna sa survey. Ngunit anim na buwan pa bago ang halala at marami pa ang mangyayari.

Q: Si PNoy ay um-attend ng Paris at isa sa kaniyang mga isinusulong ay yung climate change, ano yung position ng senado dito?

SPFMD: Sinusuportahan po naming iyan at isa sa pagpapakita naming ng suporta ay sa pamamagitan ng budget na aming ipapasa bago matapos ang taon. Ang ingklinasyon po ay kailangan nating pondohona ang mga activities in relation to climate change. For example, yung tinatawag nating quick response fund na ating dinagdagan para kapag may sakuna ay maka-respond kaagad ang ahensya na ating pamahalaan to these disasters.

Q: Kung ma-re-elect kayo ulit, would you push for an immediate review of the Constitution?

SPFMD: Sinusuportahan kop o iyan dahilan sa itong ating Saligang Batas ay binuo noong 1986 at huwag nating kalimutan na kalalabas lang natin noon sa Martial Law, kaya marami siguro sa mga provision na pwede nating tinagnan ulit. Pangalawa, marami na ang nagyari sa buong mundo simulang noong 1987, kaya baka naman pwede nating luwagan yung ioang provision diyan na too restrictive in order to adjust to the times.

Q: Yung ating problema sa West Philippine Sea, ano ang inyong position dito?

Nakasuporta tayo sa pamamaraan na ginagawa ng ating pamahalaan para ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippine Seat. Ang UN Arbitration po ang siyang tamang paraan, dahilan sa hindi naman tayo pwedeng lumaban sa China both economically and military. Iyon po ay tanggap natin at hindi naman tayo nag-iisa sa ganoong sitwasyon. Kaya ang ating ginawa that we resorted to international arbitration is the best way to resolve the issue. We won the first round, ang sabi ng arbitration panel ay mayroon silang jurisdiction para mag-rule sa kasong ito. Naisumite na natin ang ating kaso, ayaw pong humarap ng China. Sa Hunyo, sa aking pagkakaalam, ay magkakaroon ng desisyon.

Q: Matagal na rin po kayo sa Senado. Ano pa po ba ang sa tingin niyo ang magagawa niyo?

SPFMD: Malawak na po ang aking karanasanan. Makakatulong ako in continuously shaping the policy of our country.

Q: Sa tingin n’yo ba magiging malinis ang eleksyon ngayon, at may P500 million na dagdag kamo sa pondo ng Comelec?

SPFMD: Para po sa transmission facilties. Dahilan sa noong nakaraang halalan ay noly about 75-80% ang na-transmit. Bakit? Dahilan sa kulang yung cell sites. Marami pa sa ating lalawigan ang walang pang cell sites. Kaya ako ay kampante na pagdating ng halalan sa Mayo, makikita kaagad natin ang resulta in 24 to 48 hours.

Q: Are you for the No Bio, No Boto?

SPFMD: Sa aking po, it’s pending in the Supreme Court. Sa akin po, ang lahat na kailangan nating upang maging malinis na halalan, iyan po ang pinakaimportante. Iyang policy, kaya tinatanong ko sa Mindanao noong budget hearing, nag-delisting na ba kayo dahil ang sabi nga marmaing ‘the birds and the bees”. Iyan po ay kung ano man ang kailangan natin para maging malinis ang halalan natin mula registration hanggang tabulation, sinusuportahan po natin iyan. 



  



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento