Q:
Kamusta po yung Customs Modernization Act sa Senado?
SPFMD:
Inisponsor na po ito ni Senator Sonny Angara nitong Lunes. Ito’y isang
panukalang batas na makakapag-modernize sa ating Customs procedures. Sana po ay
hindi na maulit yung mga balikbayan boxes na nagulo diyan. Sa ngayon kasi,
unang-una kailangan may Customs broker ka. Ngayon po, ikaw mismo ay pwede na,
sa ilalim nitong panukalang batas na aming gagawin.
Pangalawa,
itong mga sinasabi nating mga maliliit na values lamang ay huwag nang
inspection-in at huwag nang patawan ng tariff duties. Dahilan po sa masyadong
out-moded at matagal na po ang taripa sa Customs, kaya kahit po yung
pinakamaliit ay wala pa ring exemption.
Q: Kahit
yung pabango ng isang OFW para sa nanay?
SPFMD:
Tama po iyan. Yung pinakamaliit na pabango para sa mga magulang mo ay pwede
pong patawan ng buwis. Kaya naman isa po iyan sa mga maraming reporma na aming
gagawin kasama yung X-ray machines, maglalagay din ng sapat na pondo para sa
ma-modernize natin ang mga X-ray machines.
Q: May
target po ba na matapos iyang panukalang batas?
SPFMD:
Sisikapin po namin na matapos ito nitong Kongreso na ito. Ang implementasyon ay
sa susunod na taon.
Q: Bago
matapos ang halalan?
SPFMD:
Tama po iyan.
Q: May
meeting po ang mga Liberal Party po ngayon, anung oras po iyan?
SPFMD:
Alas nuwebe, diyan po sa aming headquarters sa Cubao.
Q: Diyan
na po ba ang announcement ng lineup?
SPFMD:
Ngayon ang aming meeting ay ang National Executive Council meeting o yung
tinatawag naming NECO, ito po ay kasama sa aming proseso, sa aming Konstitusyon.
Alam mo kami sa partido ay may proseso at hindi lang isang tao ang nagmamando,
kaya po may proseso kami at sa aming Konstitusyon, ang NECO ay nagpupulong para
inominate ang kandidatong pangulo, pangalawang- pangulo, at mga senador.
Ngayong
alas-nuwebe po ay yung proseso ay magsisimula. Si Secretary Mar Roxas ang aming
inonominate bilang aming kandidato sa pagka-pangulo, at sa ngayon ay yung
mga senador, ay lagpas po sa 12. Medyo patuloy ang paguusap, may 15 sa aming
listahan.
Q: Dose
lang ang kailangan ah.
SPFMD:
Isa nga iyan sa aming problema.
Q:
Magkakaroon po ba ng samaan ng loob, kung itatanong ko sa inyo kung sino
ang papasok at sino ang maeexempt?
SPFMD:
Huwag muna. Kaya kami ay may proseso at iyan ay pag-uusapan pa. Sabi ko
nga, labis sa 12, kaya amin pang pinaguusapan.
Q: Yan po
bang pag-nonominate ng ganyan, bago kayo magmeeting sa NECO ay pinapadala
na ang pangalan, o pagdating sa meeting ay tsaka pa lang magnonominate?
SPFMD:
Ang pormalidad ay tatayo at magnonominate, pero alam na natin kung sino ang
lumapit at balak na tumakbo talaga so pinaguusapan namin talaga which is, or
who is the best one we can present to the people.
Q: Ilang linggo
nang pinaguusapan si Congresswoman Leni Robredo. Siya na ba?
SPFMD:
Malamang. Sabihin na lang natin na si Congresswoman Leni na ang kandidato natin
sa pagkabise –presidente.