Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Mar's VP pick to be known end Sept




Q: Sir ngayon po ay mainit na mainit na pinaguusapan ang deklarasyon ni Senator Grace Poe na inaasahan ang kandidatura sa pagkapangulo ngayong 2016 presidential elections. Ano po ang tingin niyo dito? 

SPFMD: Matagal ko nang sinabi sa ating mga kababayan at sa aking mga kasama sa partido na maghanda tayo dahil si Senator Grace Poe ay tatakbo sa pagkapangulo. Kaya tigilan na natin iyang pangliligaw. Kaya sabi ko nga nung lumabas itong balita kahapon, “I told you so, talagang tatakbo iyan.”

Ngayon, patuloy ang paguusap ni Secretary Mar sa kanyang mga prospective vice-presidents. Nandiyan si Representative Leni Robredo, nandiyan si Governor Vilma Santos, nandiyan si Senator Alan Peter Cayetano. Naguusap po, siguro malalaman natin bago matapos ang buwan kung sino finally ang magiging running mate ni Secretary Mar.

Q: Linawin ko lang po, sa pagpili ni Secretary Mar sa kanyang running mate, iyan ba ay consensus ng Liberal Party o hahayaan niyo si Secretary Roxas?

SPFMD: Hahayaan namin, dahil importante na makasundo ni Secretary Mar ang kanyang magiging katandem, kung sino man ang kanyang mapupulso at magkakaroon ng kasunduan, iyan po ay iraratipika namin sa aming partido.

Q: Iyan po bang si Senadora Grace Poe na tuloy na tuloy na ang pagtakbo ay banta sa kandidatura ni Secretary Roxas?

SPFMD: Lahat po iyan ay mga kandidato, at haharapin namin silang lahat dahilan kami po ay tatakbo sa ilalim ng plataporma ng malinis na pamumuno  sa Daang Matuwid. Yan po ang aming plataporma, yung Daang Matuwid. Sila po, kung saan sila dadaan, ay problema po nila iyan.

Q: Makikibalita po kami sa patuloy na talakayan diyan sa Senado sa 2016 national budget – kumusta na po ang talakayan diyan?     

SPFMD: Patuloy po. Nitong Lunes ay binusisi po ng Finance Committee na pinamumunuan ni Senator Loren Legarda ang budget ng Department of Agrarian Reform, na mahigit sa P10 billion. Ang akin po, ang importante po sa Department of Agrarian Reform ay ang suporta para sa magsasaka na beneficiaries ng ating mga program.Dahilan po sa marami sa kanayunan ay ating nakikita na dahil sa kahirapan ng ating mga magsasaka, ang mga palayan ay hindi kaya palaguhin. Kaya kailangan po ang suporta ng gobyerno, ng DAR, tungkol dito. Yaan po ang ating dapat bigyan ng pangunahing pansin.

Q: Sinabi ni Pangulong Aquino kamakailan lang na malamig siya sa panukala ng Kongreso at diyan sa Senado na pababain ang buwis ng bawat mangagawa. May ongoing bill po diyan sa Senado, ano po ang tingin niyo dito?

SPFMD: Sa akin po wala pong problema sa pagbaba ng income tax provided na may kapalit na ibang sources ng revenue, dahilan sa hindi naman pwede na kumuha sa nakolektang buwis ng pamahalaan ng walang kapalit. So ako, hindi problema sa akin, provided mayroong substitute na sources of revenue sa kung ano man ang mawawala dahil sa pagbaba ng income taxes.

Q: Sir nung isang araw po ay isa kayo sa nanguna sa pagpapasinaya sa Iloilo Convention Center. Pakishare naman po kung ano ba ang kahalagahan ng Iloilo Convention Center lalo na diyan sa Western Visayas.

SPFMD: Una po yung Iloilo Convention Center ay isang halimbawa ng matuwid na pagbubuo ng isang proyekto. Sabi nga ng Pangulong Aquino sa kanyang talumpati ang mga proyekto sa Iloilo ay resulta at halimbawa ng Matuwid na Daan, at yung baluktot na daan ay isangtabi na natin, classic example po kung paano magawa ang mga proyekto sa amin.  Malaking bagay po ito dahil makakatulong sa aming industriyang turismo at maraming economic benefits ang madadala sa Western Visayas dahil sa pagtaas ng numero ng turismo doon sa Iloilo Convention Center.

Maliban po diyan ay mayroon sa Februrary 2016 o Pebrero ng susunod na taon ay ating sisimulan na ang construction ng Jalaur River Project kung saan makakatulong din mahigit sa 700,000 magsasaka sa Western Visayas dahilan po iyan ay magkakaroon ng patubig sa mahigit sa 32,000 hektarya at makakatulong po sa ating rice supply at para po hindi na tayo magiimport ng bigas. -end-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento