Martes, Setyembre 29, 2015

MarLeni it is!

Q: Kamusta po yung Customs Modernization Act sa Senado?

SPFMD: Inisponsor na po ito ni Senator Sonny Angara nitong Lunes. Ito’y isang panukalang batas na makakapag-modernize sa ating Customs procedures. Sana po ay hindi na maulit yung mga balikbayan boxes na nagulo diyan. Sa ngayon kasi, unang-una kailangan may Customs broker ka. Ngayon po, ikaw mismo ay pwede na, sa ilalim nitong panukalang batas na aming gagawin.

Pangalawa, itong mga sinasabi nating mga maliliit na values lamang ay huwag nang inspection-in at huwag nang patawan ng tariff duties. Dahilan po sa masyadong out-moded at matagal na po ang taripa sa Customs, kaya kahit po yung pinakamaliit ay wala pa ring exemption.

Q: Kahit yung pabango ng isang OFW para sa nanay?

SPFMD:  Tama po iyan. Yung pinakamaliit na pabango para sa mga magulang mo ay pwede pong patawan ng buwis. Kaya naman isa po iyan sa mga maraming reporma na aming gagawin kasama yung X-ray machines, maglalagay din ng sapat na pondo para sa ma-modernize natin ang mga X-ray machines.

Q: May target po ba na matapos iyang panukalang batas?

SPFMD: Sisikapin po namin na matapos ito nitong Kongreso na ito. Ang implementasyon ay sa susunod na taon.

Q: Bago matapos ang halalan?

SPFMD: Tama po iyan.

Q: May meeting po ang mga Liberal Party po ngayon, anung oras po iyan?

SPFMD: Alas nuwebe, diyan po sa aming headquarters sa Cubao.

Q: Diyan na po ba ang announcement ng lineup?

SPFMD: Ngayon ang aming meeting ay ang National Executive Council meeting o yung tinatawag naming NECO, ito po ay kasama sa aming proseso, sa aming Konstitusyon. Alam mo kami sa partido ay may proseso at hindi lang isang tao ang nagmamando, kaya po may proseso kami at sa aming Konstitusyon, ang NECO ay nagpupulong para inominate ang kandidatong pangulo, pangalawang- pangulo, at mga senador.

Ngayong alas-nuwebe po ay yung proseso ay magsisimula. Si Secretary Mar Roxas ang aming inonominate  bilang aming kandidato sa pagka-pangulo, at sa ngayon ay yung mga senador, ay lagpas po sa 12. Medyo patuloy ang paguusap, may 15 sa aming listahan.

Q: Dose lang ang kailangan ah.

SPFMD: Isa nga iyan sa aming problema.

Q: Magkakaroon po ba ng samaan ng loob, kung itatanong ko sa inyo kung sino ang papasok at sino ang maeexempt?

SPFMD:  Huwag muna. Kaya kami ay may proseso at iyan ay pag-uusapan pa. Sabi ko nga, labis sa 12, kaya amin pang pinaguusapan.

Q: Yan po bang pag-nonominate ng ganyan, bago kayo magmeeting sa NECO ay  pinapadala na ang pangalan, o pagdating sa meeting ay tsaka pa lang magnonominate?

SPFMD: Ang pormalidad ay tatayo at magnonominate, pero alam na natin kung sino ang lumapit at balak na tumakbo talaga so pinaguusapan namin talaga which is, or who is the best one we can present to the people.   

Q: Ilang linggo nang pinaguusapan si Congresswoman Leni Robredo. Siya na ba?   

SPFMD: Malamang. Sabihin na lang natin na si Congresswoman Leni na ang kandidato natin sa pagkabise –presidente. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento