Q: Yang National Convention ng Liberal
Party kahapon, yan po ba ay tradisyon ng Liberal Party? Ano po ba ang
significance niyan? Ganyan din po ba ang proseso sa ibang partido?
SPFMD: Hindi ko alam sa ibang partido,
sa ibang grupo, pero po sa Partido Liberal ay iyan ay nakasaad sa aming batas
na sinasabi na ang National Executive Council ay siyang magnonominate sa
pangulo, pangalawang pangulo, at 12 senador. Yan po ay sangayon sa aming
Konstitusyon, dahilan po may proseso kami bilang isang partido.
Yan po ay mula pa noong binuo ang
partido noong 70 taon na ang nakaraan, yan po ang aming prosesong sinusunod
para po hindi po turo-turo lamang ang isang grupo. Ito po ay isang partidong
politikal, at sinisikap po namin na maipresenta ang aming partido bilang isang
partidong politikal na may plataporma na sa ngayon ay “Daang Matuwid.”
Q: Nahalal na si Mar Roxas bilang
standard bearer ng LP, pero hihintayin pa rin ng mga kababayan natin kung sino
ang kanyang magiging VP. Si Cong. Leni Robredo, nasa plan A, sa sakali sino po
ang plan B?
SPFMD: Wala kaming plan B.
Q: So talagang sigurado na po kayo?
SPFMD: Nag-uusap kami. Ito naman
ay laging walang sigurado. Si Leni ay pinag-iisipan pa niya, kinokonsulta ang
kaniyang mga anak, ngunit talagang inalok kay Leni ang pagka-vice presidential
candidate dahil siya ang sa aming tingin, ang modelo ng good governance, ng
prinsipyo ng “Daang Matuwid.” Noon po ay katulong na niya ang kanyang yumaong
maybahay na si Jesse Robredo dito po sa pagtulong sa mga mahihirap at sa
malinis na pamumuno.
Q: Wala na bang indikasyon na
matuloy pa ang Roxas- Cayetano na tandem?
SPFMD: Sa ngayon si Senator Alan ay
mukhang ang kanyang napupusuan na ka-running mate – kung sakaling mang tumakbo-
ay si Digong Duterte, na mayor ng Davao. So sa tingin ko ay medyo out of the
picture na ang Roxas- Cayetano.
Q: Si Duterte ay mukhang hindi pa rin
makapagdesisyon.
SPFMD: Alam mo, ang pagiging kandidato
ay paniwala ko po, iyan po ay desisyong personal, dahil ikaw ang haharap sa
bansa, ikaw ang magpapakilala, ikaw ang hihimok sa mga botante na iboto ka.
Kaya iyan po ay desisyon ni Mayor Digong at hayaan natin siyang magdesisyon
bago ang lahat.
Q: Sa senatorial line up po ng LP, sino
sino na po ba ang napasok?
SPFMD: Yung kaming apat na
re-electionist o balik Senado, iyan po ay ang inyong lingkod, si Senator Ralph
Recto, si Senator TG Guingona, at si former Senator at Secretary Kiko
Pangilinan. Iyan po ay kasamahan ko sa partido, at kami po muna ang ninominate
kahapon sa national assembly na aming binuo.
Q: But this Monday, kokompletuhin
na po iyan?
SPFMD: Tama po iyan, October 5.
Q: Wala po kayong any hint kung sino pa
ang papasok?
SPFMD: Medyo mahigit sa 12 ang nasa
listahan kaya amin pang pinag-uusapan.
Q: Baka kayo po ay busy na sa mga
convention at sa politika, yung mga panukalang batas sa Senado ay maiiwanan na.
SPFMD: Hindi naman po, at patuloy po
ang aming pagpasa ng mga panukalang batas. Kahapon po ay ipinasa namin yung
panukalang batas na magbibigay ng educational assistance sa mga anak o heirs ng
mga sundalo, kapulisan, miyembro ng Bureau of Fire Protection, at iba pang mga
ahensiya ng pamahalaan.
Kahapon po ay amin ding ipinasa ang
batas na magpaparusa ng mabigat – hanggang 12 taong sa pagkakulong – doon
po sa smuggling ng basic commodities kagaya ng bigas. Yan po ay matindi ang
epekto sa ating mga magsasaka, yung pong smuggling basic commodities,
nakakaapekto sa ating ekonomiya, at lalo na po sa ating mga magsasaka. Kaya
itinaas po namin ang parusa sa 12 taon.
Ganoon din po yung batas tungkol sa
kooperatiba naman, na magbibigay ng suporta sa mga kooperatiba, ay ipinasa
namin kahapon on 2nd reading. Patuloy po ang aming pagtatrabaho
sa Senado.
Q: Yung pamapayagpag po ng dengue sa
buong bansa ay very alarming na. Nasa state of calamity na ang Bulacan, halos
4,000 na. Ganoon din sa Cavite. Sa ibang mga probinsiya, ganoon din. Baka
maaring pakialaman po ito ng Senado, ang DOH mukhang missing in action,
pinauubaya sa local government units ang paglutas dito sa mga kaso ng dengue.
SPFMD: Maraming salamat. Sa katunayan,
isa sa aking staff ang tinamaan ng dengue, kaya po we are aware na ito ay nagiging
problema na. Ipapatawag natin at kakausapin ko yung ating Secretary Garin ng
DOH kung ano ba ang ginagawa upang makatulong at mapigil itong epidemic na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento