Linggo, Oktubre 4, 2015

Indeed it is MarLeni!



Q: Tuloy po ba ang announcement ng Liberal Party sa inyong vice presidential running mate at kukumpletuhin na po ba yung senatorial slate?

SPFMD: Sa unang tanong, opo tuloy po mamaya ngayong umaga sa Club Filipino, mag-uumpisa ng alas-9 at darating ang Pangulong Aquino ng alas- 10 at tuloy po ang proklamasyon ni Congresswoman Leni Robredo bilang running mate ni Secretary Mar.

Doon po sa pangalawang tanong mo ay sobra po, mahigit po sa 12 ang mga nasa aming listahan, kaya baka hihingiin pa namin itong linggo na ito para matapos namin ang 12 – not dahil kulang, pero sobra po – kaya nag-uusap po kung sino ang baka pwede magbigay o give up para magkaroon ng 12.

Q: So yung 12 senatorial candidates ay hindi pa mai-aannounce mamaya?

SPFMD: Tama po iyan.

Q: May mga bagong pangalan po yata kayong isasama.

SPFMD: Marami pong mga pangalan. Sabi ko nga eh, as of last counting ay there are at least 15 na ibig pumasok sa ticket.

Q: Ano po ang magiging basehan para sa pagpili ng 12? 

SPFMD: Ay yung sumusuporta sa plataporma ng partido na “Daang Matuwid,” at sa mga polisiya ng Pangulong Noynoy na ipagpapatuloy sa susunod na administrasyon. 

Q: Ano po ang biggest factor at napahinuhod niyo si Congresswoman Leni na maging katandem ni Secretary Mar?

SPFMD: Sa palagay ko ay she’s the most decent candidate at nakikita naman natin ang ipinakita niya kasama ang kanyang yumaong maybahay na si Jesse Robredo doon lalo na sa Naga - ang malinis na pamumuno, at ang mabuting pagtingin sa kapwa Pilipino.  Yaan po ang mga katangian ni Congresswoman Leni  na aming tiningnan ng husto bago namin inalok sa kanya.

Q: Nahihirapan daw siya magdesisyon, kung pamilya o politika. Paano niyo po siya nakumbinsi?

SPFMD:  Ay hindi naman mutually exclusive yun, ang amin naman ay marami naman kaming nasa politika na hindi napapabayaan yung pamilya, at yaan siguro ang kanilang napag-usapan sa loob ng kanilang bahay. I was not privy to that.

Q: Ano po ang inyong gagawin sa Liberal Party ukol sa insidente sa Laguna, yung sa Playgirls, particular na yung pagkakasangkot ni Chairman Tolentino na siya raw na nagregalo kay Congressman Agarao?

SPFMD:  Liwanagin lang po natin, wala pong basbas ng Partido Liberal ang nangyari, sa katunayan iyon po ay local affair, yun po ay birthday ni Benjie Agarao. Nagpasumpa doon ng 80 na local members ng Partido Liberal. Ang pagkakaalam ko po si Chairman Tolentino ay hindi pa po member ng Partido Liberal. Bigyan po natin ng pagkakataon ang partido na suriin ng husto kung ano ang nangyari, at itong linggong ito ay magkakaroon ng announcement.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento