Q: Usapan po itong mapipili ng Liberal Party na magiging
katandem ni Secretary Mar Roxas, si Congresswoman Leni Robredo ay 100%
sure na po ba?
SPFMD: Inalok kay
Congresswoman Leni Robredo ang pagka-bise presidente at katandem ni Mar Roxas.
Siya po ay humingi ng konting panahon para komunsulta at makonsulta ang kanyang
mga anak at kaalyado; at siya po ang sa aming tingin ang karapat-dapat na
maging bise presidente dahil ay siya po, she personifies good governance – the
good governance that endeared Jesse Robredo sa kanyang mga kababayan, lalo na
po sa Naga City.
Kaya sa aming tingin, ang pinakamahusay at
pinakadisente at bagay na maging bise presidente ni Mar Roxas dito po sa “Tuwid
na Daan” ay si Congresswoman Leni, ngunit hintayin na lang po natin, sa Lunes
siguro ay magkakaroon na ng announcement.
Q: Sakali sir na
umatras siya, may ibang option po ba ang Liberal Party?
SPFMD: Wala po kaming
naiisip doon dahil buo ang aming pagasa na tatanggapin ni Congresswoman Leni
yung ang aming alok na siya ay maging vice presidential candidate.
Q: Sa latest
Pulse Asia survey, ay mataas po ang rating niyo bilang Senate President. Mataas
din po ang approval rating ng Pangulong Aquino, samantalang yung kabilang kampo
ay bumababa. Ano po ang masasabi niyo diyan?
SPFMD: Ito po ay
nagpapakita lamang na ramdam ng taumbayan ang mga benepisyo dahilan sa “Tuwid
na Daan” at maayos na pamumuno, it is bearing fruits. Alam mo, kung ikukumpara
mo sa lahat ng pangulo sa nakaraang 20 taon, ito pong rating ng Pangulong
Noynoy ay siyang pinakamataas.
Towards the last year of his administration
ay mataas pa rin ang pagtingin ng taumbayan sa kanya, at ako po ay natutuwa rin
na tayo po ay maganda ang tingin ng taumbayan. Kalahati, 54 percent po ang
Pangulong Noynoy sa performance rating, tayo po ang pangalawa at 50 percent.
Yung iba pong opponents, yung si Vice
President Binay ay talagang bumubulusok at bumababa at patuloy po ang pagbaba
ng kanyang performance rating at trust rating. Sa akin po, palagi kong sinasabi
ay ang titingnan natin ang trend ng mga surveys at dito po ay nagpapakita na
properly informed ang taumbayan kung alin ang kanilang ibig ipagpatuloy - yung
bulok na pamumuno ba o yung “Tuwid na Daan” – at dito nagpapakita na ramdam na
ito ng taumbayan. Kaya kami po sa Partido Liberal ay natutuwa sa ganitong
pangyayari.
Q: May isang huling
sesyon po sa Senado bago magbreak. Ano pa po ba ang mga panukalang batas
ang tinututukan ngayon ng Senado?
SPFMD: Patuloy po ang
pagtutok namin sa Bangsamoro Basic Law, sana po matapos ang mga debate by
October 7, ngunit kung hindi man ay ito po ay ipagpapatuloy namin pagbalik
namin sa Nobyembre. Ako po ay nakakasigurado na bago matapos ang taon ay
magiging batas na ito.
Kahapon ay naipasa namin yung panukalang
batas tungkol sa pagdagdag ng educational and other benefits sa mga anak ng mga
yumaong sundalo, pulis, miyembro ng Bureau of Fire Protection, NBI, at iba pa.
Ganoon din ang pagpapataas ng parusa sa smuggling ng agricultural products,
habang buhay pong pagkakulong ang aming batas na aming ginagawa.
So marami pa po kaming pinaguusapan at
tatapusin bago po kami magtapos sa October 7. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento