Q: Kaya pa po
bang tapusin ng Senado ang mga nakabiting panukalang batas ngayong may apat o
limang senador na tatakbo sa pagka-bise presidente at may iba pa na sasabak din
sa national elections?
SPFMD: Medyo hirap rin, dahil ngayon lang nangyari sa tagal ng aking panunungkulan sa Senado na meron kaming limang kandidato for vice-president at isang kandidato for president. Tapos may dalawa pang nakakulong at isa pang naka-medical leave, kaya medyo hirap kami, ngunit patuloy pa rin.
Kahapon po ay
ipinasa namin yung mga panukalang batas ukol sa mga high school sa mga
probinsiya na magiging national high schools, at mamayang hapon ay aming
ipapasa ang bicameral committee report tungkol dito sa transparency sa mga
buwis o sa mga exemptions sa buwis ng mga negosyo. Kaya hirap din, pero
pinapatuloy namin ang mga debate sa mga panukalang batas dito sa Senado.
Q: Ano po ang tingin
niyo dito sa vice-presidential candidates sa darating na election? Very
exciting?
SPFMD: Exciting, of
course. Lalo na yung bagong mukha sa larangan ng national politics, ang aming
kandidatong si Leni Robredo, ay talagang nakikita natin ang kanyang sincerity.
Alam mo she’s a fresh name in national politics kaya talagang exciting po.
Q: Sa unang
pagkakataon ay ngayon lang nangyari ito na 5 ang vice-presidentiable.
SPFMD: Pero yung
presidentiable, tatlo pa lang.
Q: Sa SWS survey,
mukhang kayo ang “most satisfied” na official ah.
SPFMD: Ako po
ay nagpapasalamat sa pagtitiwala at talagang tayo po ay nagsisikap na maipakita
sa ating mga kababayan na patuloy pa rin ang ating trabaho sa Senado upang we
can continue to deserve the trust of our people. Talagang mahirap, but hindi po
tayo nag-gigive up.
Q: Posible pa rin po
bang maisama sa senatorial slate ng LP si dating Chairman Francis Tolentino?
SPFMD: Yaan po ay
pinag-uusapan. Siguro ay sa Biyernes ay iaanunsyo ng partido at ni Pangulong
Aquino ang slate ng partido. Titingnan na lang natin at iyan ay pinaguusapan.
Q: Pero bilang
pagliliwanag, hindi pa miyembro si Chairman Tolentino ng Liberal Party?
SPFMD: Yaan po ang
pagrereport sa akin ng partido. Wala pong nakikita sa aming computer files na
siya ay miyembro ng Partido Liberal.
Q: Sumisigaw po yung
mga pensionado, yung SSS bill na karagdagang P2000 na pension, ano po ang
posisyon niyo diyan at ano po ang status niyan sa Senado?
SPFMD: Unang una po
ay ibig ko lang liwanagin na si Senator Drilon po ay sumusuporta sa panukalang
batas na magkaloob ng dagdag na P2000 pension sa ating mga SSS pensioners.
Kahapon lang po ay tayo sumulat kay Senator Villar upang ipahayag na tayo ay
walang anumang pagtutol sa nasabing panukalang batas at hindi na po tayo
magtatanong at hindi na ako magpopropose ng mga amyenda.
Sa pagkaaalam ko,
naguusap po si Senator Ralph Recto bilang co-sponsor ng measure at saka ang mga
SSS officials dito sa panukalang batas sa SSS upang makapaghanap at tingnan ang
kapakanan ng lahat ng SSS pensioners at members. Uulitin ko lang po, si Senator
Drilon po ay sumusuporta dito sa panukalang batas na magkakaloob ng karagdagang
P2000 pension sa mga pensioners.
Q: Sana ay maihabol
daw ito by Christmas time ng Senado po iyan.
SPFMD: Sisikapin po
natin.
Q: Yung 2016 budget
ay maipapasa po bago matapos ang taon at yung Bangsamoro Basic Law ay talaga
bang malabo na?
SPFMD: Okay, unahin
ko yung Bangsamoro Basic Law, malabo nating maipasa ngayong araw na ito o sa
buwan ng Oktubre. Ngunit pagdating po ng Nobyembre at pagbalik namin sa sesyon,
iyan po ay bibigyan namin ng prayoridad kasama ang national budget.
Ang aming pong time
table ay ipapasa natin bago matapos ang taon ang Bangsamoro Basic Law kasama
din po yung P3 trillion na 2016 national budget, ay nasa agenda namin
pagbalik namin sa November 3. Dahil by that time, we expect na tapos na ang
deliberasyon sa House of Representatives at maiaakyat na sa amin. Bago po
matapos, kagaya ng nakalipas na limang taon ay atin pong ipapasa ang 2016
budget.
Q: Ang
anti-political dynasty bill, malabo na rin po bang maipasa?
SPFMD: Wala pa pong
committee report na ating pagdedebatehan sa Senado. Uulitin ko lang po, ako po
ay sumusuporta diyan. Wala po akong kamag-anak na elected
official-maliban lang sa isang second cousin doon sa amin, si Iloilo Mayor Jed
Mabilog, he is my second cousin. Other than that, wala po akong elected
official na kamag-anak.
Q: Yung dalawa pong
nakakulong na senador, si Revilla at Estrada, pwede po ba silang kumandidato sa
2016 elections?
SPFMD: Pwede po,
dahilan sa hindi pa naman sila disqualified, hindi pa sila convicted. They are
presumed innocent hanggang po magkaroon ng judgment sa husgado. Yaan po
ay nasa ating Saligang Batas. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento