Lunes, Oktubre 12, 2015

MarLeni Slate All Geared Up

Q: On LP senatorial lineup

SPFMD: Koalisyon po ng ‘Daang Matuwid’ po ito, hindi lang po ng Partido Liberal, kundi ng lahat ng naniniwala at sumusuporta sa programang Daang Matuwid ni Pangulong Noynoy Aquino, na pinamumunuan ng aming kandidato sa pagka-pangulo na si Secretary Mar Roxas at si Representative Leni Robredo.

Q: Sir yung senatorial lineup, how strong?  

SPFMD: Well meron kaming 2 na hindi pa kilala, ngunit kami po ay naniniwala na sa tulong ng 6 na buwan ng kampanya ay sila po ay mapapakilala namin at mapapatunayan na sila ay dapat suportahan ng ating mga kababayan.

Q:  On Secretary Mar Roxas' ratings

SPFMD: Kitang kita po natin sa nakalipas na survey noong Hunyo ay siya ay nasa 4 na porsyento, pagdating ng Setymebre, dahilan sa nakilala siya ng taumbayan at sa endorsement ng Pangulong Noynoy ay siya po ay umabot na ng 20 porsyento at ito po ay patuloy na tataas sa mga darating na buwan.

Q: Are you sure?

SPFMD: We will work hard and we are sure na may suporta kami ng taumbayan.

Q: How important is the support and endorsement of the President to the senatoriables running under the LP coalition?

SPFMD: It is important. Importante po ang endorsement ng Pangulo dahilan po ipapagpapatuloy ng Senado ang mga reporma na nasimulan ng Pangulo sa limang taong nakalipas, at marami po sa reporma ay ating sinuportahan sa Senado. Ito po ay ipagpapatuloy natin sa susunod na Kongreso.

Q: Sabay-sabay po ba kayong magfi-file ng Certificate of Candidacies (COCs)?

SPFMD: Hindi po namin napag-usapan. Ako po ay magfifile bukas, hindi ko alam kung ang iba ay ganoon din. Ngunit ako po ay magfi-file bukas.

Q: Would you like to talk about the budget sir? In the House it was passed.

SPFMD:  Isa po sa mga repormang ating ginawa nitong panahon ng Pangulong Noynoy ay lahat ng budget po ay ating ipinasa on time. Kaya hindi naging piggybank ang re-enacted budget, hindi kagaya noong nakaraang administrasyon at iyan po ang ipagpapatuloy namin. Kami po ay nakakasiguro na pagdating ng 2016, ay mayroon tayong budget, darating po sa amin ito by the first week of November at aming tatapusin.

Kaya ako po ay nakikiusap sa aking mga kasamahan sa Senado na bigyan po natin ng daan muna ang ating trabaho at ang pinakamagandang at mahusay na kampanya ay ipakita natin sa taumbayan that uunahin natin ang para sa kanilang kapakanan, ang pagpasa ng budget kung saan nandiyan yung Conditional Cash Transfer, yung ating Philhealth at marami pang mga benepisyo para sa ating mga kababayan, atin pong ipasa bago tayo magkampanya para sa ating mga kampo. ###


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento