Q: Kahapon po ay idineklara na ang kandidatura ni
Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang katandem ng inyong pambato sa
LP na si Secretary Mar Roxas. Ang concern ng marami – mababa ang kanyang
ratings, ano po ba ang gagawin niyo diyan?
SPFMD: Alam mo six months ago lahat sinasabi ay
ganoon din – mababa ang surveys ni Secretary Mar, 6 percent lang. Noong
inindorso ng Pangulong Noynoy Aquino at nagdeklara si Secreatry mar na tatakbo,
aba ay sumipa nang 20 to 22 percent, umakyat by 16 percent ang kanyang rating.
So ganoon talaga, kapag hindi ka pa nagdedeklara,
ay siyempre bakit ka naman kaya pipiliin ng taumbayan sa survey, ay hindi ka
naman kandidato. Ngayon po ay nagdeklara na si Congressowman Robredo, ay
sigurado po kami ay aangat ang kanyang rating at nagpapasalamat po kami kay
Congresswoman Robredo sa pagtanggap ng hamon ng pagkabise-presidente ng bansa,
dahil siya po ay larawan ng good governance, kasama ang kanyang kalihim na si
Jessie Robredo, kaya po kami naniniwala na itong si Congresswoman Robredo
ay siyang makakatulong hindi lang sa kandidatura ni Mar Roxas, kungdi po sa
buong bansa kung siya ay maihalal bilang bise- president.
Q: Ang sabi po ay napilitan lang daw po na tumakbo
bilang bise presidente si Congresswoman Leni, napressure lang siya po ng
Liberal Party.
SPFMD: Hindi po totoo iyan. Siyempre, ngayon pa
lang ay kung ano-anong kasinungalingan ang ibinabato sa atin. Kaya po
nagdadalawang isip noon si Congresswoman Robredo ay dahilan sa kanyang pamilya,
at ang hindi po pumapayag ang kanyang mga anak, dahil siyempre, ‘fear of the
unknown.’ Biro mo naman ay bigla at mabigat na responsibilidad itong papasukin
ni Congresswoman Leni Robredo, kaya yung mga kanyang anak ay nag-aalangan.
Noong Sabado lamang ng umaga, ayon mismo kay Congresswoman Robredo, ay pumayag
ang kanyang mga anak.
Kaya hindi po iyan dahil sa pressure ng partido.
Kinausap, inalok sa kanya, pinag-isipan ng husto at kinsonsulta ng ilang linggo
ang kanyang mga anak, at noong Sabado ay pumayag.
Q: Sir kakalabas pa lang ng SWS survey doon sa
satisfaction rating ng mga pinakamatataas na rating ng mga lider ng bansa, kayo
po ang nangunguna dito, at yung sa ibang partido ay bumulusok na naman ang
ratings ngayong third quarter. Ano po ang masasabi niyo diyan?
SPFMD: Tayo po ay nagpapasalamat sa ating mga
kababayan sa patuloy na tiwala sa inyong lingkod na si Senator Drilon at sa
Senado. Ito po ay sa nakaraang tatlong taon ay talagang sinisikap namin na to
deserve the trust of our people. Kaya makikita mo naman everytime na
maiinterview mo ako, ay marami akong ibinabalita na mga batas na aming
ipinapasa.
Sa kasalukuyan, sa linggong ito ay talagang hirap
na, dahil lima o anim na yata ang kakandidato sa pagkabise- presidente o
pagka-pangulo, may dalawa pa kaming kasamang nakakulong, may isa kaming
kasamang may sakit, kaya po medyo po nahihirapan na po kami. Pero ganun pa man,
eh patuloy pa rin po ang aming puspusang trabaho, para po matapos ang aming
agenda.
Halimbawa ipinasa namin yung panukalang batas sa
pagdagdag ng educational assistance and other benefits sa mga anak ng mga
yumaong sundalo, pulis, mga bumbero, NBI agents, mga tiga-Bureau of Jail
Management and Penology, Coast Guard, PDEA at Bureau of Corrections. Ito po ay
makakatulong sa mga kawawang maiiwan ng mga sundalo at kapulisan na
madidisgrasya in the course of their duties. Kaya meron tayong educational
assistance and benefits na inaprubahan kahapon. Ito po siguro ay magiging batas
kapag natapos na rin sa Kongreso.
Meron din tayong ipinasa na Anti-Agricultural
Smuggling Act of 2015. Ipinasa natin ang batas na nagpapataw ng mabigat na
parusa sa smuggling of basic commodities tulad ng bigas, at kung ang bigas ay
iismuggle, dito sa aming ginawang batas ay aabot sa P10 milyong piso o 20 taon
ng pagkakulong ng mga nagkakasala dito.
Ito po ay para masugpo ang smuggling. Masama, at
malaki ang epekto nito sa ating ekonomiya. Ayon sa mga pag-aaral ay umaabot sa
P450 billion ang nawawala sa bansa dahilan po dito sa smuggling.
Kaya po aming sinisikap na maipasa kaagad na ito at
mapataas natin ang mga parusa. Nung isang araw lang ay may balita na yung
sinampahan ng rice smuggling ay na-acquit, pinagtatawanan lang tayo, kaya po
ating ipinasa po ito ,para mas mabigat ang parusa sa mga mahuhuling smuggling
ng basic commodities tulad ng bigas at iba pang agricultural products
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento