Lunes, Oktubre 12, 2015

All the best

Q: Yung dalawa, si Cresente Paez and si Nariman Ambolodto, ano po yun, hindi naman po sila pangpuno lang sa LP Senate slate?  

SPFMD: Hindi. Si Congressman Paez po ay siyang kumakatawan sa ating mga kooperatiba at si Assistant Secretary Ambolodto ay siya po ang kumakatawan sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao. These are sectoral representatives of very critical sectors in our country, kaya po amin silang pinili para po maging kumpleto o mabuo ang ang aming labing-dalawang slate sa Senado.

Q: Ano pong nangyari sa talks kay Congressman Manny Pacquiao?

SPFMD: Si Congressman Pacquiao, ang kanyang preference dahil siya po ay taga-Mindanao, na pagtumakbo po si Mayor Rodrigo Duterte ay doon po siya tatakbo as a member of the Senate slate.

Q: Yung kay Quezon City Mayor Herbert Bautista?

SPFMD: Si Mayor Herbert ay siya po mismo ang nagpasiya na tapusin niya muna ang kanyang termino bilang alkalde ng Quezon City.

Q: Si Senator Honasan, nag-file na siya at nagdecide na siya mag-run as vice-president, apat na silang Bikolano. Si Congresswoman Leni po, pano po sa tingin niyo ang laban nila?

SPFMD: Well, we wish them the best of luck. Karapatan po ng bawat tao sa ating bansa, sa Pilipinas, everyone has the right to present himself or herself for election. Yaan po ang essence of democracy, may kalayaan ang bawat mamamayan na iharap ang sarili bilang kandidato sa isang posisyon. We wish them luck.    

Q: Mahihirapan po sila kumuha ng boto dahil mas marami?

SPFMD: Mahihirapan kumuha ng boto. Ako po ay mag-aappeal na lang sa bawat isa na senador na tayo ay we were primarily elected bilang mga senador, at mayroon tayong mga tungkulin. May panahon para sa kampanya, may panahon para tapusin ang ating trabaho.
Kaya ako po ay nag-aapila sa aking mga kasama that we should continue to work until the last day. That is the best campaign that we can show.  

Q: Si Congresswoman Robredo, panglima pa rin sa ratings. Kaya pa po ba?

SPFMD:  Alam mo nung apat na porsyento lang si Mar Roxas, sinasabi, “Mananalo ba iyan?”  Ngayon ay nandiyan na naman sa media, “Pitong porsyento lang, mananalo ba iyan?” Mananalo iyan. Si Leni Robredo, she represents women, she is the best example of what good governance is all about. She has always stood by the principle of “Matuwid na Daan,” and the sincerity of the person is very clear.

Q: Wala pa rin pong official confirmation from the family of Senator Joker Arroyo?

SPFMD: Wala po siyang official confirmation, but that doesn’t prevent us from paying tribute to a great person, as I did.

Q: Maghohold pa rin kayo ng mass dito sir?

SPFMD: Hindi na, because that is the specific request of Joker na huwag nang mag-seremonya sa Senado, ngunit kanina sa flag ceremony ay akin siyang binaggit at pinuri ang kanyang mga nagawa para sa ating bansa. ###


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento