Q: Assesment po ninyo sa katatapos lang na APEC Leader’s
Summit?
SPFMD: Malaking bagay po at ating naipakita sa ating mga kababayan at mga bisita na talagang lumago na ang ating ekonomiya, at mas importante ay binigyang diin natin ang papel ng mga small, medium and micro enterprises, yung mga maliit na mangangalakal na siyang nakakapagbigay ng maraming trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan.
Q: In fact, under your leadership, napasa yung Go Negosyo
bill diba?
SPFMD: Marami po kaming naipasa na mga panukalang
batas upang mabigyan natin ng pagakakataon na lumago ang mga small and
medium-scale industries dahil po 90% ng ating mga kompanya sa ating bansa, ay
yang mga small and medium-scale enterprises (SMEs), at maraming trabaho
naibibigay po iyan sa ating mga kababayan.
Q: How can we assure continuity ng magandang programa na
iyan? Ngayon ay kaliwa’t kanan ang pagtatayo ng mga Negosyo Centers, at nakita
natin ang pagdami ng SMEs natin.
SPFMD: Mayroon po tayong mga Negosyo Centers kung
saan po mas madali po ang pagrehistro ng mga small and medium industries,
binigyan po natin sila ng recognition para sa mga loans na nakukuha sa mga
bangko, yung ating mga tax treatment sa kanila, nandiyan na po sa batas na
iyan, hindi na po mapapalitan.
Q: With the law, hindi po pwede na hindi to ipagpatuloy?
SPFMD: Tama po iyan, kahit na anong administrasyon
ang papasok sa ating bansa, patuloy po iyan dahil iyan ay batas na.
Q: Kanina ay kausap namin si Associate Commissioner
Gilbert Repizo ng Bureau of Immigration, ngayon lang po lumabas itong mga
impormasyon tungkol sa mga serious threats nitong katatapos na APEC. In fact,
may mga pinagdadampot pala talaga. Sabi ko nga po, yung iba ay nagrereklamo
doon sa seryoso at mahigpit na seguridad pero may totoong seryosong pagbabanta
mula po sa mga dayuhan na pumasok sa bansa.
SPFMD: Tama po iyan, at siguro po
mapapagpasyensyahan ng ating mga kababayan yung konting higpit sa seguridad
dahilan po sa mga banta sa ating seguridad at nung 20 na heads of state na
nandito po sa ating bansa. Can you imagine kung may nangyari naman ay talagang
nakakahiya po sa ating buong bansa. Ngayon po ay taas-noo tayong masasabi na
talagang matahimik sa atin and we were able to secure all these heads of
states.
Q: That was an effort na ginawa ng iba’t ibang sector,
kasama ang DILG, DND, BI, halos lahat ng ahensiya ay kumilos.
SPFMD: Tama po iyan. Ang hindi po nakakilos ay
yung Kongreso dahil isang linggo kaming wala po sa Senado, yung aming
pong pagdedebatehang national budget, ay naantala dahil sa APEC, kasama po iyan
sa ating kooperasyon.
Ngayong umaga po ay
aming uumpisahan ang national budget, at iyan po ay may early Christmas sa
ating mga kawani sa pamahalaan, dahil kasama po dito sa ating P3 trillion
budget ay mayroong P50.7 billion budget na nakalaan para sa pagtaas ng sahod ng
ating mga kawani sa pamahalaan. Uulitin ko lang po, may P50.7 billion na
nakalaan sa ating 2016 budget para po sa ating mga kawani sa pamahalaan, at
itong budget na po na ito ay ating gagamitin pagkatapos natin maipasa bago po
magpasko itong Salary Standardization Law IV.
Kaya malaking bagay
po itong budget na maipasa po natin on time. Uumpisahan po namin ang mga debate
ngayong umaga ng alas-9, at gagawin po namin ang lahat para po by first week of
December ay ating maipapasa po ito sa Senado.
Q: So itong adjustment ay mararamdaman by January 2016?
SPFMD: Tama po iyan. By January 2016 ay
mararamdaman na po ang pagtaas ng sahod ng ating mga kawani ng
pamahalaan.
Q: Sa Senado po walang problema, pero baka sa Kongreso,
walang quorum?
SPFMD: Hindi po, naipasa na nila. Ikaw, mga dating
mo itong kasamahan sa Kongreso, nangangantiyaw ka ah (laughs). Ngunit naipasa
na po nila, at naibigay na po sa amin noong nakaraang linggo, ngunit dahil sa
APEC ay hindi po namin natalakay.
Alam mo dito rin sa
budget na ito, isang malaking dagdag ay sa budget ng Ombudsman. Sa kasalukuyang
taon, ang budget ng Ombudsman ng P1 billion. Dito sa 2016 budget, tataas sa
P1.7 billion o 70% increase.
Alam mo dito sa
kasaysayan ng ating mga national budget, nakikita natin na talagang
nadadagdagan ang mga budget ng mga critical na ahensya ng ating
pamahalaan, gaya ng Ombudsman na siyang lumalaban sa katiwalian sa ating
pamahalaan, kaya 70% ang pagtaas, from P1 billion in 2015 to P1.7 billion in
2016. Malaking bagay po ito.
Q: Ano po iyan, para sila ay magha-hire ng additional na
mga abogado?
SPFMD: Kasama po iyan, ang additional lawyers,
dahil medyo marami rin ang mga kaso diyan sa Office of the Ombudsman na medyo
nabibinbin, kung minsan tumatagal. Kaya kasama diyan ang pagdagdag sa mga
abogado, sa ngayon po mayroon po sa mahigit kumulang na 20,000 na reklamo sa
mga kawani ng pamahalaan at ito po ay marami talagang kaso diyan kaya siguro
kailangang dagdagan ang ating mga abugado.
Q: Nababanggit po ninyo itong itinaas itong budget sa
2016, saan po natin kukunin iyan?
SPFMD: May sapat po na resources ang ating
pamahalaan, yung ating deficit ay naco-control natin. May deficit ngunit iyan
po ay within standards. Ito po ay may sapat na pondo, at isa sa mga
pinanggagalingan ng pondo ito ay yung ating ‘sin taxes’ na ating ipinasa noong
3 taon na ang nakakaraan. Yung sin taxes po, mahigit sa P100 billion ang
nakokolektang karagdagan dahil po sa ating ginawang batas.
Q: Ang pangamba, baka taasan daw po ang buwis natin.
SPFMD: Hindi po, wala pong balak na magtaas ang
buwis.
Q: Siguro po dapat din natin i-commend ang BIR,
dahil ang taas ng kanilang collection.
SPFMD: Tama po iyan. Medyo marami pong
umuungol, pero kailangan po natin iyang karagdagang buwis dahil medyo mababa
ang ating koleksyon. Dahil kahit tumataas ang koleksyon ngunit as a percentage
- ang measure diyan ay ‘Gaano ba ang porsyento ng buwis na nakokolekta doon sa
kabuuan ng ating ekonomiya – ay medyo mababa pa, kaya nagsusumikap ang BIR na
pataasin pa natin without additional tax revenues.
Q: Hindi niyo ba kino-consider yung ‘Soda Bill,” yung tax
sa softdrinks?
SPFMD: Wala pa sa amin. Kasi iyan ay revenue
measure,at iyan ay nanggagaling at dapat tatapusin muna sa Kamara De
Representante. ###
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento