Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Will Pass Budget ASAP

Q: Tuwang tuwa ang ating mga professional drivers, ang ating mga holder ng professional driver’s licenses. Aba eh suspended temporarily lang ba yung bagong order ng DOTC sa mga kukuha ng professional driver’s license?

SPFMD:  Sinuspinde lang temporarily para review-hin. Alam po natin na yung mga professional driver’s license  ay yung mga lisensya ng mga jeepney driver at ng mga bus driver, yung mga pampasaherong, para po sa kanilang hanapbuhay. Tayo po ay hindi kukuha ng professional driver’s license, kung hindi yung ordinaryong lisensiya lang.

Kaya po kami nagtataka kung bakit biglang sinama yung requirement ng clearance sa NBI at sa pulis, at hindi maipaliwanag kung ano ang rason nito. Ang sabi nila, “Baka po may rapist diyan na may mga kaso.”

Ang sabi ko, “Teka, ano ba ang mga kaso diyan na hindi na pwepwede ang driver’s license?” Hindi po nila masagot. Ang sabi ko, “Itong bang libel ay kasama,kung  ikaw ay may kaso na libel ay hindi kana pwede bigyan ng professional driver’s license?”

So anong krimen ang pwedeng mag-disqualify sa isang aplikante ng professional driver’s license? At  kung yaan naman ay kaso, ibig bang sabihin ay  habang may kaso ay hindi ka pwede mag-drive, ay hindi ba may presumption of innocence tayo?

At sinasabi nga ni Senator Ralph Recto, pagpunta lang sa NBI, tsaka sa pulis, eh dalawang araw na siguro ang mawawala sa kinikita ng nagmamaneho ng bus, sa haba ng pila.  Sa umpisa ay parang may resistance, kaya ang sabi namin, “Oh sige.” Kaya pinilit namin ng pinilit, hanggang tinanong ko, “ Hindi ba pwede itong pag-aralan muna, at habang pinagaaralan ay suspendihin muna ang effectivity?" So pumayag sila, at isumite muna sa Senado ang new rules pagkatapos nila review-hin  para ating matingnan at maipaliwanag sa publiko kung ano ba tong dambuhalang requirement na ito.        

Q: Hanggang ngayon rin po, hindi pa rin nakakakuha ng lisensya ang ating mga kababayan, hanggang resibo lang.   

SPFMD: Tama po iyan, 700,000 daw ang kanilang backlog. Wala eh, yung  resibong hawak mo ay aabutan ka na ng renewal bago mo pa makuha yung dapat mong lisensiya, yung plastic. 

Q: Yung plate numbers din maraming namomroblema. Dapat  po  ay agad aksyunan ito ng LTO. Yung plate numbers, Pebrero pa dapat ang pagrelease noon, pero hanggang ngayon ay wala pa.

SPFMD: Maswerte kung meron ka na. Ang masama pa diyan eh kahit meron ka nang plaka, papalitan nila dahil kailangan bago lahat ng plaka, and yet ang tagal bago dumating.

Q: Binusisi nang husto yung budget ng DOTC kahapon ninyo ni Senator Recto kung totoong walang backlog, eh bakit hanggang ang tagal kumuha ng driver’s license. Ang sagot ng DOTC, ay within 30 minutes ay makukuha mo na yung driver’s license renewal, samantalang and dami pa nilang backlog.

SPFMD: Ang makukuha mo ay resibo.

Q: Iyan po ba ay makakaapekto din, dahil mukhang mahirap ipasa itong budget ng ilang government agencies, particularly the DOTC?  

SPFMD: Maipapasa iyan. Ngunit talagang bubusisiin namin ng husto, titingnan kung saan ang talaga nagkukulang ang DOTC, imo-monitor ng Senado kung ano ba talaga ang nangyayari dito, kung bakit ba may 700,000 na backlog.

Alam mo kadalasan diyan, yung mga problema sa bidding – alam mo na, yung mga misteryosong nangyayari sa bidding – kaya yung mga hindi nanalo, tatakbo sa husgado at puro restraining order ang inaabot natin.

Q: Isa pa ho, hindi po ba posibleng gahulin sa panahon considering na marami pang ahensya ng gobyerno ang dadaan diyan sa budget hearings. Hindi ba kakapusin ng panahon ng Senado para ipagtibay ang budget sa 2016?

SPFMD: Ipagpapatuloy po namin ang debate namin sa budget, at aaprubahan namin ang budget, ngunit hindi ibig sabihin na kakalimutan na ang problema ng LTO at ng DOTC. 

Q:  Sabagay ang Senado ay mas kaunti ang miyembro kesa sa Kamara de Representante, kumusta ba ang  attendance diyan sa pagdinig ng Senado sa national budget?

SPFMD: Maayos po, laging ang aming schedule ay nasusunod, except for one or two agencies na hindi naman malaki ang budget. Nasusunod po ang aming schedule sa mga ahensyang nakasalang, at bukas po ako ay naniniwala na kayang aprubahan ito on second and third reading.

Q: Di problema ang quorum sa kabila ng katotohanan na maraming kagawad ng Senado ang kumakandidato ngayon. 

SPFMD:  Tama iyan. Alam mo ngayon lang  ako nakakita na 5 ang kandidato namin sa Senado sa pagkabise pangulo, may 2 pagka-pangulo, may 2 nakakulong. Out of the 24, 9 o 10 ata ang kadalasan ay hindi nakakadalo . Medyo hirap, ngunit nakakabuo pa rin. 

Q: Talagang sipag lang ah.Dapat lang  isingit, dahil iyan po ang inyong directive sa mga kakandidato sa 2016 – huwag kalilimutan ang pag-attend sa mga sessions.   

SPFMD: Tama po iyan. Iyan ang ating appeal, na yung pinakamagaling na pamumulitika ay gawin natin ang ating trabaho.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento