Miyerkules, Agosto 26, 2015

Transcript of Bombo Radyo Interview with Senate President Franklin M. Drilon by Jun Desca

Q: Sir makikibalita lang po kami sa mga mahahalagang balita sa Senado ngayong linggo, lalo na sa mga panukalang batas na tinututukan ngayon ng Senado.

SPFMD: Bago iyan ay narinig ko yung reporter niyo sa House ang problema doon sa quorum.

Q: Parang napansin din po ata iyan ng Minority sa Senado kahapon.

SPFMD: Wala naman kaming problema sa pag roll call. Araw-araw nagro-roll call kami. Mayroon namang sapat na mayorya. Of course, kapag humahaba na ang mga debate sa mga batas, ay yung iba ay may appointment at umaalis.

Ngunit two days ago, nung pagpasok ni Senator Enrile, ni-remind niya ang aming mga kasamahan na kailangan nandoon tayo lalo kapag importanteng panukalang batas ang pinagdedebatehan. At sinabi niya bilang opposition, nasa kapangyarihan po nila na question-in ang quorum.

Ako po ay nagpasalamat kay Senator Enrile na kanyang niremind ang aming mga kasamahan kapag may importanteng debate na nandoon tayo sa session the whole time. Pero in terms of quorum po, ay wala kaming masyadong problema.

Ngayon sa tanong mo, ay sa Senado po ay patuloy po ang aming debate tungkol dun sa Bangsamoro Basic Law. Pinagusapan yung taxation powers at ang block grant na tinatawag natin, na binu-budget po para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, yung mga kapangyarihan ng Bangsamoro Juridical Entity – yung pamahalaan doon, yung regional government, yaan po ay inisa-isa.

Kahapon pinagusapan din namin yung mga tratado para sa  mga tax treaty sa Turkey at sa Germany, para po sa maayos natin  yung mga problema natin ukol sa pagbubuwis sa ating mga kababayan na nabubuhay sa ibang bansa.

Q:  Yung national budget po ba on track tayo? Hindi po ba iyan naapektuhan nung mga debate sa iba pang mahahalagang batas na tinututukan ng Senado?

SPFMD: Hindi naman. Yaan po ay nasa komite, sa katunayan po ay sa susunod na linggo ay ang nakasalang sa ating budget hearing ay ang budget ng Department of Public Works and Highways, na may P394.5 billion na alokasyon sa DPWH. Alam mo importante po ito dahil malaking kritisismo sa ating bansa ay ang kakulangan sa imprastraktura, at kakulangan ng mga kalsada. Kaya po mayroong sa susunod na taon, 13 porsyento ng kabuuang budget ng bansa sa 2016 ay mapupunta sa DPWH. Ito ay isa sa pinakamataas na budget sa DPWH. May pagtaas ito ng 27 porsyento ang budget ng DPWH kung ihahambing at titingnan natin ang budget nito ngayong taon. 

Q: Itong usapin na pinatitigil na ni Pangulong Aquino ang pagbubukas ng mga balikbayan boxes ng OFWs, may mga hindi po kuntento sa naging aksyon ng Pnagulo. Diyan sa Senado, may concern po ba sa umiiral na polisiya ngayon ng Bureau of Customs?

SPFMD: Maraming resolusyon na finifile sa Senado na ibig maimbestiga kung bakit ganito ang polisiya ng Bureau of Customs sa balikbayan boxes. Yung pong aming pinaguusapan na Customs and Tariff Modernization Act, ito po ay inisponsor na ni Senator Sonny Angara, isa po sa mga probisyon niyan ay yung mga tinatawag na maliliit na customs, tariff and duties o ang tawag sa batas ay “de minimis.”

Ibig sabihin niyan it’s no longer worth it to try  and collect kung mas malaki pa ang magagastos mo to collect these amounts sa mga balikbayan – ayan po ay titingnan namin kung at what level dapat huwag na buwisan ang mga balikbayan boxes.

Pangalawa, nagbibigay din iyan ng pondo for the Customs modernization, para hindi na po manual, dahilan sa maraming magbubukas ay talagang may corruption at mabagal kaya dapat may sapat na pondo para sa mas maraming X-Ray scanner.

Ito po ang aming tulong na magagawa, para sa permanenteng solusyon. Ako po hindi ako sangayon sa Bureau of Customs na policy na bubuksan ang balikbayan boxes. There must be other ways na maaring mahuli ang mga ini-ismuggle diyan. Ang dapat tingnan, yung mga big-time smugglers, huwag yung mga balikbayan boxes na bubuksan pa po.  Sa akin po, hindi po ako pabor sa polisiya ng BOC diyan sa balikbayan boxes.  
          
Q: Sir mamaya po ay magbubukas ulit yung Senate Blue Ribbbon Subcommitttee sa imbestigasyon sa Makati – mahigit sa isang taon na po ang imbestigasyon – kayo po ba ay may komunikasyon sa liderato ng Senate Blue Ribbon subcommittee kung kelan matatapos ito, at ano pa ba ang kailangan nilang impormasyon – o hahayaan na lang, dahil sabi nila may bago daw silang impormasyon?

Pangalawang tanong po, kahapon po ay may pinapaaresto po silang panibagong yung sinasabing hindi dumadalo sa pagdinig. Yaan po ba ay dumaan na sa inyong tanggapan?

SPFMD: Opo, dumaan na po sa aking tanggapan, pinapaaresto po yung mga hindi sumisipot sa hearing. Alam mo, kaya tumatagal ito ay dahil sa ayaw humarap, yung mga tinatawag ng Blue Ribbon Committee na humarap, sila Limlingan, at yung isang lady na secretaryna  si Baloloy, ay nagtatago. Kaya hindi makumple-kumpleto ang imbestigasyon ay yung mga tao na ay hindi humaharap. Kaya naman aming ipina-pahuli na sa Senado at mag-testify at pagkatapos ay pwede nang isara ang imbestigasyon. 
Ang hirap naman na ide-defy lang nila ang orders ng Blue Ribbon Committee, kailangan ay humarap sila at magtestigo, para masara na. ###
  





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento